Xian walang arteng direktor, pinuri nina Cindy at Althea: He’s very cool!
PURING-PURI ng lead stars ng latest horror-drama movie ng Viva Films na “Kuman Thong” ang kanilang direktor na si Xian Lim.
Wala ang Kapuso actor-director sa naganap na presscon ng “Kuman Thong” kahapon, June 19, sa Viva Café, Cubao, Quezon City. May prior commitment daw ito, ayon sa mga taga-Viva Entertainment.
Nanghinayang ang mga members ng press na um-attend sa mediacon dahil chance na sana ni Xian na sagutin ang mga tanong tungkol sa mga isyung kinasasangkutan niya ngayon.
Baka Bet Mo: Bakit nag-message si Rabiya Mateo kay Cindy Miranda, anyare?
Sayang din dahil hindi niya narinig at personal na nasaksihan ang ginawang pagpuri sa kanya ng kanyang mga artista sa “Kuman Thong” na sina Cindy Miranda at Althea Ruedas.
View this post on Instagram
Natanong ang dalawa kung ano ang masasabi nila kay Xian bilang direktor, lalo pa’t ito ang unang pagkakataon na nakatrabaho nila ang ex-dyowa ni Kim Chiu.
Sagot ng 11-anyos na aktres na si Althea na unang sumikat sa pelikulang “Doll House” with Baron Geisler, palagi raw bukas sa mga suggestion ang aktor kaya naging maganda ang kanilang collaboration.
“Actually po, noong script reading pa lang namin, he already told us kung ano ang mga gusto niya about the movie, ano yung gusto niyang ipalabas sa bawat eksena.
“Pagdating sa set, kapag may bigla kaming naisip na mas magandang gawin or mas mapapaganda yung movie, sasabihin lang po namin kay Direk and he will be okay with it. That’s what I love about Direk,” pahayag ng young actress.
Baka Bet Mo: Cindy Miranda gustong makilala si Kylie Padilla: Bilib ako sa kanya dahil sobrang strong niya
Patuloy na kuwento ni Althea, “Meron pong one time, humiga po siya sa road para maipakita sa amin ang gagawin. Kaya sobrang amazed ako kay Direk, idol ko na po siya.”
View this post on Instagram
Sabi naman ni Cindy, marami na raw siyang nababasa at naririnig about Xian, bago pa mag-start ang kanilang shooting.
“Marami akong naririnig tungkol kay Xian kasi never ko pang nakatrabaho si Xian. You know, ako nakakabasa ako ng mga write ups tungkol kay Xian.
“Well, may mga bad, you know, sa mga issues po. Ako rin po, tinanong ako ng mga boss sa Viva, ‘How’s Xian?’” aniya.
Habang tumatagal ay nag-iiba na raw ang impression niya sa kanilang direktor at bilib siya sa pagiging professional nito bilang katrabaho at marami rin siyang natutunan habang nagsu-shoot sila.
“He’s okay. He’s very cool, very hands-on siya. Ganito ‘yan, 10 days po before kami mag-Thailand, saka lang naibigay yung script.
“Ganu’n po kabilis kasi ang daming revisions na nangyari. Si Xian, ang napansin ko sa kanya, very passionate siya sa pagiging direktor niya.
“Sabi nga niya, 15 years na siyang nag-a-act, so naiintindihan niya kami as an actor. Sabi niya, huwag daw kami mag-alala kasi naiintindihan niya ang lahat ng proseso namin.
“So, pagdating namin doon sa Thailand, hindi siya nagalit, never ko siyang nakitang nagalit, never uminit ang ulo niya,” aniya pa.
Kuwento pa ni Cindy, ilang highlights ng “Kuman Thong” ay kinunan sa Ayutthaya, Thailand kung saan nakasama nila ang ilang Thai actors, kabilang na si Max Nattapol Diloknawarit.
Showing na ang “Kuman Thong” sa July 3, sa mga sinehan nationwide, kung saan kasama rin ang isa pang Thai actor na si Jariya Therakaosal at child actor na si Emman Esquivel.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.