NAGSAMPA ng kasong cyberlibel at unjust vexation ang all-male group na BGYO laban sa ilang indibidwal na nagpapakalat ng fake news sa social media.
Desidido ang mga miyembro ng grupo na panagutin sa batas ang mga taong patuloy na gumagawa ng malilisyosong kuwento at pekeng balita laban sa kanila.
Ngayong araw personal na dumulog ang members ng BGYO na sina Gelo, Akira, JL, Mikki at Nate sa Quezon City Prosecutor’s Office upang kasuhan ang mga taong hindi tumitigil sa pagpo-post ng fake news sa iba’t ibang social media platforms.
Baka Bet Mo: BGYO, BINI matinding hamon ang haharapin sa ‘One Dream’ concert: Tingnan natin kung kakayanin nila!
Ayon sa grupo, kailangan na nilang gumawa ng aksyon para matigil na ang cyberbullying sa socmed, lalo na ang walang patumanggang pagpapakalat ng kasinungaligan at kabastusan.
Ilan sa mga malilisyosong akusasyon sa BGYO ay “cheating, bullying and drug use”.
Nitong nagdaang April, in-announce ng Star Magic, ang talent management ng grupo, na magte-take sila ng “legal action against … emboldened bashers who circulate unfounded rumors”.
Sabi ng Star Magic legal counsel na si Atty. Joji Alonso nu’ng panahong yun, nakikipag-coordinate na sila sa ilang government agencies at private service providers, “to gather evidence and hold these perpetrators accountable for their unlawful behavior.”
“Filing of criminal cases will be set in motion. Again, we remind the public that it is not only crucial to call out acts of bashing and cyberbullying, but to show kindness and accord everyone due respect, both online and in real life,” sabi pa ni Atty. Alonso sa isang statement.