PARANG mga eksena sa teleserye at pelikula ang ilang pinagdaanang pagsubok sa buhay ng mag-inang Teresa Loyzaga at Diego Loyzaga.
Ito yung mga panahong nalulong sa paggamit ng illegal drugs ang hunk actor at ang pagpasok niya sa rehabilitation center para magpagamot.
Inamin ni Teresa na siya mismo ang nagpasok sa kanyang anak sa isang rehabilitation facility at aminado siyang hindi ito naging madali para sa kanya bilang ina pero kailangan daw niyang gawin para sa ikabubuti ng anak nila ni Cesar Montano.
Ayon sa beteranang aktres, may mga pagkakataong sinisisi niya ang sarili sa nangyari kay Diego dahil alam niyang napakarami rin niyang pagkukulang sa aktor bilang nanay.
“I wasn’t always there, even if I try to be always be there. I just couldn’t. Somebody had to work. Somebody had to put food in the table.
“Somebody had to put a roof over their heads. Somebody had to put them to school.
“And please, I am not saying these na I’m degrading other people. No. Wala akong pinupuntiryang mga wala doon.
“Yun ang sitwasyon namin so I dealt with it, the best way I could,” ang pahayag ni Teresa sa panayam ng “Fast Talk With Boy Abunda” kahapon, June 17.
Nagpaalam daw muna siya kay Diego bago siya nagpa-interview kay Tito Boy, “To be honest, my son was here and I did ask him, I’m gonna be speaking about it, with his permission.
“I think what the people do not know is I put him to rehab. I put him to rehab. There’s a part of me that died, but I wanted my son to live, so I had to put him to rehab,” lahad ng aktres na nangyari raw noong 2018.
Nagalit daw si Diego nang dalhin niya sa rehab pero naintindihan daw niya ang aktor sa naramdaman nito, “He wasn’t himself then.
Baka Bet Mo: Diego Loyzaga binalaan ni Cristy Fermin matapos umurong sa 2 interview: ‘Bakit ka natakot, bakit ka naduwag?’
“We have to understand na yung mga mahal natin sa buhay, kapag nalulong sa droga, kapag kinausap mo sila, binabastos ka nila.
“Hindi sila yun. Yun yung gamot. Nu’ng nawala lahat yon, bumalik yung anak ko. Then, naintindihan niya,” masayang pagbabahagi pa ni Teresa.
Matagal-tagal din daw silang hindi nagkita na mag-ina habang nasa rehab ang aktor, “Pero ang hindi rin niya alam, bumibisita ako parati sa kanya, kahit na bawal kaming magkita.
“That was part of his punishment for him to learn. To appreciate home, family. Hindi kami nagkita, pero kapag bumibisita ako du’n, minsan pader lang yung pagitan namin, nandiyan siya sa kabila.
“Hindi niya alam pero napapanood ko siya sa isang maliit na monitor. Kung nasaan siya sa loob, kapag kumakain siya. Nagpapadala ako ng pagkain,” kuwento ni Teresa.
“There was one time, tarpaulin lang ang pagitan namin. May butas yung tarpaulin. Sabi sa akin, ‘You have to promise tatahimik ka. Hindi ka magpaparamdam.’
“Sabi ko, promise. Gusto ko lang talagang makalapit. Pagitan lang namin, tarpaulin. Nakasilip lang ako sa butas para makita ko lang yung anak ko. Ang hirap,” saad pa ng aktres.
Abot-langit ang pasasalamat ni Teresa ngayon sa Diyos dahil talagang dininig daw ang mga dasal niya, “You know what, prayers, prayers, and neverending prayers and pasasalamat talaga. Dun ako kumapit. Grabe!
“Kung wala yun, baka ako din, nasa loob. And there are days, iniisip ko, kailangan ko rin yatang pumasok para matuto rin. Haaay, ang hirap, pero look!
“There’s so much to be thankful for. Every day, you learn something. Every day is a struggle. But there’s also a reason to be thankful and rejoice. To celebrate and be grateful. It’s a new life,” lahad pa ng celebrity mom.
In fairness, napagtagumpayan nga ni Diego na labanan ang kanyang bisyo at ngayon ay ginagawa niya ang lahat para mabigyan ng magandang buhay ang kanyang anak na si Hailey