Gab Valenciano pumasa sa ‘America’s Got Talent’ pero hindi natuloy

Gab Valenciano nag-audition sa 'America's Got Talent' pero 'di natuloy

Gab Valenciano at Gary Valenciano

SA mga nakalipas na taon, gumawa ng pangalan si Gab Valenciano para sa kanyang sarili sa labas ng sikat nilang angkan sa showbiz.

Maliban sa pagiging pangalawang anak ng OPM icon na si Gary Valenciano, marami ang nakakakilala sa kanya bilang isang “creative dynamo” na napansin ng American superstar na si Beyoncé dahil sa kanyang viral “Super Selfie” videos.

Di lamang ito napansin ng international media outlets, naimpluwensyahan din nito ang konsepto ng music video ni Queen Bey para sa worldwide hit single nito na “7/11” na may 600 million views na sa YouTube ngayon.

Baka Bet Mo: James Reid ‘flopped’ daw ang bentahan ng tickets kaya kanselado ang North America tour, true kaya?

Ipinrodyus ni Gab ang kanyang “Super Selfie” videos habang nag-aaral siya sa Full Sail University sa Florida kung saan nagtapos at nakakuha siya ng certificates for recording arts and recording engineering.


Minarkahan ang videos niya ng mga dynamic dance moves at quick cuts, at powerful edits kaya naman impressed si Beyoncé at sinama niya si Gab sa creative process ng “7/11” music video. Binigyan pa ni Beyoncé si Gab ng “additional choreography” credit.

At dito naging nominado si Gab sa Best Choreography category ng 2015 MTV Video Music Awards, kasama sina Chris Grant at Beyoncé.

Nag-audition din siya sa “America’s Got Talent” at pumasa ngunit hindi niya naituloy dahil sa kanyang schedule.

Ganu’n pa man, ang kanyang audition piece ay naging bahagi ng nationwide TV commercial upang i-promote ang show at lumabas din siya sa “America’s Funniest Home Videos”, “Good Morning America”, at mga online media outlets gaya ng Buzzfeed, Huffington Post, Mashable, NBC, at marami pang iba.

Baka Bet Mo: Gab Valenciano diagnosed bilang pre-diabetic; nais maging better para sa sarili

Dito sa Pilipinas, inareglo at ipinrodyus ni Gab ang music para sa ilang soap operas, gaya ng ABS-CBN remake ng K-drama na “Green Rose” at ng “Dahil Sa Pag-Ibig” at pati na rin ang theme song ng Jeepney TV.


Ang kanyang trabaho sa awitin na “Move” para sa “ASAP Supahdance” album ay nagbigay sa kanya ng 3 tropeo sa Awit Awards bilang interpreter, producer, at composer para sa Best Dance Recording noong 2010.

Ipinrodyus at inareglo din niya ang “Galing Ng Pilipino” – ang 20th anniversary theme song ng TFC composed by Jonathan Manalo noong 2014 na wagi bilang Best Inspirational Song and Best Theme Song sa 2015 Awit Awards at pati na rin Best Secular Song sa Catholic Mass Media Awards.

Siya rin ang lumikha ng musical score ng award-winning indie film na “Alagwa”, na pinagbidahan ni Jericho Rosales at tumanggap ito ng Best Musical Score trophy mula sa Gawad Pasado Awards noong 2014.

Napili din ang “Alagwa” bilang Best Indie Film Of The World sa Catalina Indie Film Awards sa California noong 2014. Nagdirek din siya ng mga music video para kina Gary V, Yassi Pressman, Kai Buizon, at Kiana V.

Sa telebisyon, idinirek ni Gab ang GMA 7 variety show na “Wowowin” at “Wowowin Primetime” noong 2020. Ang iba pa niyang TV credits ay ang “Club TV” ng TV5 at “Sarah G Live” ni Sarah Geronimo sa ABS-CBN.

Isa rin siyang regular music arranger at performer sa musical variety show na “ASAP”.

Maliban sa kanyang mga radio jingles, isa siya sa mga special guests ng phenomenal “Pure Energy: One Last Time” concert series ni Gary V sa SM MOA Arena kung saan nag-perform sila for a record-breaking 40,000 people!

Pinamalas din niya ang kanyang unique brand of entertainment sa dalawang mahahalagang events para sa Filipino community sa US.

Noong June 8, isa siya sa mga key participants sa 126th Annual Philippine Independence Day Celebration sa Carson, California, kung saan nakasama niya ang kanyang ama at kapatid na babae sa entablado. At nito lamang June 15, naging bahagi si Gab sa TFC 30 Happy Hour para sa 126th Philippine Kalayaan celebration sa Sugar Land, Texas.

Ang event na ito, na bahagi ng Kalayaan 2024 celebrations, ay minarkahan ang 126th Philippine Independence and Nationhood. Nag-relocate si Gab sa Amerika nuong 2023.

Mula noon, tuloy-tuloy ang kanyang creative success, habang binabalanse ang iba’t ibang mga proyekto habang patuloy niyang binabahagi ang kanyang passion sa pag-perform.

Read more...