INAMIN ng social media personality na si Rosmar Tan na may pagkakamali rin sila ni Rendon Labador nang komprontahin nila ang isang staff sa munisipyo ng Coron, Palawan.
Parehong nasusuong ngayon sa bagong kontrobersya sina Rendon at Rosmar nang dahil sa nangyaring insidente sa ginawa nilang charity event sa Coron, Palawan.
Nais silang parusahan ng “persona non grata” sa naturang probinsiya dahil sa ginawa nilang paninigaw sa isang staff ng munisipalidad ng Coron na nag-rant sa social media.
Baka Bet Mo: Rendon, Rosmar papatawan ng ‘persona non grata’ sa Coron, Palawan
Sa isang viral video, makikitang sinigaw-sigawan at dinuru-duro ni Rendon ang babae matapos nga itong mag-post sa Facebook ng kung anu-anong paratang laban sa kanila.
Nangatwiran naman si Rosmar sa paratang sa kanila at sinabing wala silang intensiyong makapanakit ng tao. Nais lang daw nilang mapasaya at matulungan ang ilang residente sa Coron.
May mga kumampi sa dalawang personalidad pero marami rin ang nagalit sa kanila kasabay ng pag-announce ng isang miyembro ng konseho ng Coron na balak nilang patawan ng “persona non grata” sina Rosmar at Rendon.
Sa kanyang Facebook account naman, nag-post si Rosmar ng mensahe para sa mga nagagalit kay Rendon kasabay ng pagsasabing inaamin din nila ang nagawang pagkakamali.
Baka Bet Mo: Toni Fowler hindi makikisawsaw sa isyu nina Rosmar at Zeinab: Walang magandang maidudulot yan
“Rendon Labador to Rendon Lablab na ituuu.
“Ayan BACK TO ZERO ka na naman kuya rendon HAHAHA. Actually sobra kami nag pangaral sakanya na maging mabait kasi mabait naman talaga sya kaya sinama namin sya sa mga ganap at charity,” simulang pagbabahagi ni Rosmar.
Patuloy pa niya, “Madami din ako nabasa na “BAKIT SUMASAMA DAW AKO KAY KUYA RENDON NAHAWA DAW TULOY AKO KAYA WAG NA AKO SUMAMA.”
Sa isa pa niyang post, nag-sorry nga ang content creator at negosyante, “Guys pasensya na na trigger lang talaga ako at may mali din talaga pero nakasama din talaga namin si kuya rendon at mabait din naman talaga sya. hayaan nyo sermonan natin HAHAHA.
“Nag usap usap na kami Team Malakas para maiayos mga mali na nagawa namin. Again pasensya na po sa mga naapektuhan.
“Mamayang Gabi post po namin ang PUBLIC APOLOGY from our team na hinihintay ng lahat.
“Nasaktan kami sa nangyari pero aminado kami na nagkamali din kami tao lang. Patawad #TeamMalakas,” pahayag ni Rosmar Tan.