Heart kinikilig kapag magkasama ang ama at si Chiz: Best moment!

Heart kinikilig kapag magkasama ang ama at si Chiz: Best moment!

Heart Evangelista, Chiz Escudero at Reynaldo Ongpauco

FEELING blessed and grateful ang Kapuso star na si Heart Evangelista sa pagdiriwang ng Father’s Day last Sunday, June 16.

Happy si Heart dahil hanggang ngayon ay kasama pa rin niya ang dalawang mahahalagang lalaki sa kanyang buhay ‐ ang kanyang amang si Reynaldo Ongpauco at asawang si Sen. Chiz Escudero.

Ayon sa global fashion icon, mahal na mahal niya ang kanyang mister na senador at super proud siya rito bilang hands-on tatay sa anak niyang kambal – sina Quino at Chesi.

Baka Bet Mo: Vice Ganda hugot na hugot sa Father’s Day: ‘Ang swerte-swerte n’yo kasi kasama n’yo ngayon ang mga tatay n’yo’

Kahit wala pa raw silang anak ni Chiz, alam ni Heart na isang mabuti at responsable itong ama base sa nakikita niyang pag-aalaga at pagpapalaki sa mga ito.


“Si Chiz, bilang isang dad sa mga anak niya iba siya. Sobrang supportive niya, parang ako pa nga ‘yung istrikto pero napaka-blessed ng mga bata na meron silang ganu’ng klase ng tatay kasi he’s very present,” pahayag ni Heart sa panayam ng GMANetwork.

In fairness din naman kay Heart, masasabi ring napakabuti at super supportive rin niyang stepmother sa twins ni Chiz. Tinutulungan talaga niya ang asawa sa pag-aaruga sa kambal.

Baka Bet Mo: Dennis Padilla nakatanggap ng Father’s Day gift mula sa mga anak pero walang greetings, anyare?

Nabanggit din ni Heart kung gaano siya kasaya kapag nakikitang magkasama at nagkukuwentuhan ang asawang si Chiz at ang tatay niyang si Reynaldo Ongpauco.

“My best moment with my dad, alam mo kapag nakikita ko sila ng asawa ko na magkasama.


“Natutuwa ako kasi nadudugtong ko kung saan ako nanggaling at saan ako ngayon so it really matters, it’s really special to me,” sey pa ng Kapuso actress.

Samantala, binati rin ni Senate President Chiz Escudero ang kanyang father-in-law last Father’s Day sa pamamagitan ng Instagram.

Post ni Chiz, “I also pay tribute to my father-in-law Rey, whose steadfast support for me and Heart has been a cornerstone of our journey together.”

Nagkomento naman si Heart sa Father’s Day greeting ng asawa sa kanyang tatay, “Happy Father’s Day!!! Love you babe.”

Read more...