Vice Ganda hugot na hugot sa Father's Day: 'Ang swerte-swerte n'yo kasi kasama n'yo ngayon ang mga tatay n'yo' | Bandera

Vice Ganda hugot na hugot sa Father’s Day: ‘Ang swerte-swerte n’yo kasi kasama n’yo ngayon ang mga tatay n’yo’

Ervin Santiago - June 20, 2023 - 06:12 AM

Vice Ganda hugot na hugot sa Father's Day: 'Ang swerte-swerte n'yo kasi kasama n'yo ngayon ang mga tatay n'yo'

Vice Ganda

HUGOT na hugot ang Phenomenal Box-office Star na si Vice Ganda sa selebrasyon ng Father’s Day kamakalawa, June 18.

Sabi ni Vice Ganda, sana raw ay nakikita ng kanyang yumaong ama ang natatanggap niyang blessings at sunud-sunod na tagumpay sa kanyang buhay at showbiz career.

Naglabas ng kanyang saloobin ang TV host-comedian sa nakaraang Father’s Day episode ng kanyang game show sa ABS-CBN na “Everybody, Sing!” nitong Linggo.

Sa pakikipagchikahan ni Vice sa mga bisita nilang tatay na super proud sa naging achievements ng kanilang mga anak, inalala niya ang namayapa niyang ama.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by VICE GANDA (@memeviceganda)


“Ang swerte-swerte niyo kasi kasama niyo ngayon ‘yung tatay niyo, di ba? Kasi minsan nagwi-wish ako na sana nandito ‘yung tatay ko para nakikita niya kung gaano karami ‘yung tao sa concert ko,” pahayag ni Vice.

Dagdag pa ng komedyante, “Sana nandito ‘yung tatay ko para makita niya kung gaano karami ‘yung pumipila sa pelikula ko.

“Sana nandito ‘yung tatay ko para napapanood niya ‘yung ‘Showtime’ kung gaano kasaya pero puro sana na lang,” aniya pa.

Sa huli, nagbigay ng payo si Vice sa mga contestants na tatay. Aniya, palaging maglaan ng quality time para sa pamilya.

“Kayo ang swerte-swerte niyo kasi hindi niyo pa sinasabi ‘yung sana dahil hanggang ngayon kapiling niyo pa sila.

Baka Bet Mo: Rabiya Mateo binigyan ng tribute ang inang single mother sa pagse-celebrate ng Father’s Day; tinuruang huwag manggamit ng kapwa

“Make the most of your time, create wonderful memories and moments with your dads and your family because you are so blessed, you are very lucky,” dagdag pa niyang pahayag.

Samantala, punong-puno naman ng kumpiyansa at karisma si Vice Ganda sa music video ng kanyang bagong single na “Rampa.”

Sa “Rampa” ibinida ni Vice ang kahalagahan ng pagiging empowered ano man ang kasarian o lahi. Isinulat ito ni Vice kasama sina ABS-CBN creative director Jonathan Manalo, Star Pop label head Rox Santos, EJ Bollano, Loriebelle Aira Darunday, at Justin Catalan na nag-produce at areglo ng awitin.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by JoseMarieViceral / Vice Ganda (@praybeytbenjamin)


Tampok naman sa music video sina Jackie Gonzaga, MC, Lassy, Samantha Bernardo, at SLAY Model Search Asia 2023 runner-up Abby Eclanir at Sauce Chulalakkul. Sa loob lamang ng apat na araw ay pumalo ito sa halos 180,000 views sa YouTube.

Unang ibinandera ni Vice ang kanyang latest song sa coronation night ng Binibining Pilipinas noong Mayo 28 na naganap sa Araneta Coliseum.

“Quick fact, I wrote that song for Binibining Pilipinas. I was thinking of Binibining Pilipinas when I wrote that song. Now, I am just so happy na nandito na ako, finally performing that song sa swimsuit competition,” aniya pa.

Bukod sa kanyang blockbuster movies at pagiging “It’s Showtime” host, kilala rin si Vice sa kanyang viral songs tulad ng “Karakaraka,” “Boom Panes,” at “Wag Kang Pabebe.”

Pakinggan ang bagong single ni Vice Ganda na “Rampa” na available sa iba’t ibang streaming platforms at panoorin ang music video nito sa ABS-CBN Star Music YouTube channel.

Celebrity moms proud na ibinandera ang tatay ng mga anak ngayong Father’s Day

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Julia, 2 pang kapatid may isyu na naman kay Dennis; dedma sa Father’s Day

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending