IKINASAL na ngayong araw, June 17, ang YouTube vloggers at social media influencers na sina Cong TV at Viy Cortez.
Sa Facebook account ng cosplayer at gamer na si Alodia Gosiengfiao ay makikita ang kissing-wedding photo nina Cong TV o Lincoln Velasquez sa tunay na buhay at Viy.
Baka Bet Mo: Viy Cortez, Cong TV magpapatayo na ng sariling bahay: Tuparin pa natin ang mga pangarap natin nang magkasama
May caption itong, “Congratulations Cong TV and Viy Cortez (white heart emoji). #PerfectCongViynation.”
Bumuhos naman ang pagbati para sa bagong kasal mula sa kanilang mga supporters at mga tagasubaybay ng kanilang YouTube channel.
Kung hindi kami nagkakamali, kasama sa mga tumayong principal sponsors nina Cong at Viy ang mag-asawang Alex Gonzaga at Mikee Morada.
Narito ang ilan sa mga nabasa naming comments sa FB post ni Alodia.
Baka Bet Mo: Cong TV nag-propose na kay Viy Cortez: Iniisip ko kung paano pero bahala na
“OMG!!!! Congratulations po! May your life’s Viyctory inspires everyone of us! Your nambawan fan since deywan from Antipolo po! Labyu ka-paa!”
“Tuwang tuwa c father oh . Btw congrats Cong & viy.”
“Akala ko si Boy Abunda yung Pari.
Congrats Cong TV and Viy Cortez best wishing well.”
“BOSS CONG BAT MO HINIGOP. congrats and best wishes.”
“Congratulations to both of you. Cong TV and Viy Cortez wishing you many more wonderful days filled with happiness. together.”
“Pati si Father kinikilig. Congratulations Mom and Dad! HAHA.”
“Congrats kuya cocon madam viyyy. fan here since day 1!! Putang ina wasap mga paa!! Hahaha hangang ngayun iniisip kopa kung mananalo Ako sa lotto nang 100billion na Sabi mo. Hahahahahaha!”
“Ang ganda ng wedding gown, Sana ibenta nya ng abot kaya ang presyo. getting married soon too. @Viy Cortez Cong TV Congratulations and best wishes.”