NAPAKARAMING natututunan at nadidiskubre ng TV host-actress na si Gelli de Belen sa pagiging bahagi ng isang public service show.
Ang tinutukoy namin ay ang “Si Manoy Ang Ninong Ko” kung saan kasama niya si Rep. Wilbert “Manoy” Lee ng AGRI partylist at ang TV host-model na si Patricia Tumulak.
Dahil sa tagumpay ng season one ng programa ay nagdesisyon ang grupo ni Rep. Wilbert, na mas kilala na ngayon sa tawag na Manoy at Ninong, na ipagpatuloy ang kanilang nasimulan.
Kaya naman nitong nagdaang June 15, ay ibinandera nga ni Gelli at Rep. Wilbert ang pagsisimula ng “Si Manoy Ang Ninong Ko Season 2” na mapapanood pa rin sa GMA 7.
Matapos sagutin ni Gelli ang ilang questions about the show, diretsahan na siyang tinanong kung may plano ba siyang sumabak sa mundo ng politika dahil in fairness, ang dami-dami na niyang alam sa public service.
“Alam n’yo, yung pagtulong na ginagawa ni Manoy, hindi ko kaya. It is a commitment that’s 24/7. It’s a commitment that’s very challenging. Maraming challenges na feeling ko hindi ko talaga kakayanin.
“For a public servant, you need 24/7 commitment. Wala kang oras sa sarili mo. Hindi puwedeng pamilya muna ako. It has to be bayan muna. I don’t have that commitment yet…forever,” sagot ng wifey ng actor-singer na si Ariel Rivera.
Hirit pa niya, “Uunahin ko muna ang pamilya ko. Iiiwan ko nalang kay Manoy ang lahat ng mga problemang yan.”
Baka Bet Mo: Hugot na hugot: Carmina, Gelli, Candy nag-iyakan sa presscon ng ‘Roadtrip’
Para naman kay Manoy, naniniwala siya na may kakayahan din si Gelli na maging public official, “Kayang-kaya ni Gelli na maging mayor ng isang lugar.
“May puso si Gelli kaya pwedeng-pwede siyang public servant. Pero totoo yung sinabi niya na napakahirap maging public servant.
“Kagabi nga lang alas-kuwatro na kami umuwi. Your emotions are up and down. Pero sabi ng anak ko, okay lang ako maging politician basta huwag lang maging corrupt. Kung maglalabas man ng pera, personal na pera ang gagamitin,” sabi ng kongresista at host.
Sa second season ng “Si Manoy Ang Ninong Ko”, asahang mas marami pang matutulungan ang program, “It would captivate audiences with inspiring tales of resilience, unity, and the Filipino spirit of Bayanihan.”
Sa tanong kung mas tumitindi ba ang pressure ngayong mas magiging malawak na ang sasakupin ng kanilang public service program, sagot ni Manoy, “Wala tayong pinipili na mga taong tutulungan. Manoy is kuya na pwede mong sandalan or puntahan anytime. Yun talaga ang concept nito. Sa Bicol Manoy is kuya na takbuhan mo.
“So gusto kong ipaalam sa lahat na meron kayong takbuhan anytime. Kung meron kayong mga problema, pangangailangan, meron kayong matatakbuhan.
“Sa tuwing nilibot namin ang buong bansa, isa lang ang fear namin. Yung takot na magkasakit. Dahil kapag nagkasakit, affected yung kita, maraming apektado.
“Yung magbabantay sa ‘yo hindi rin makakapasok. Ubos yung ipon. Kasi yung naipon mo kailangan mong ipambayad sa hospital. Pambili ng gamot. Kaya yun po ang tinututukan namin.
“Mag-message lang po sila sa official Facebook account namin para matulungan namin kayo. Lahat po yun sinasagot namin. Parang call center na nga dahil sa dami ng humihingi ng tulong.
“Yung mga nangangailangan ng wheelchair, walker, maintenance medicines, lahat po yan, pinapadala po natin. Kami lang po yung hindi nagrerequire na dapat pumunta ka sa office para mabigyan ka ng tulong,” pahayag pa niya.
Samantala, naibahagi rin ni Manoy ang mga naranasang insidente na may konek sa scammers na nagte-take advantage sa ginagawa nilang pagtulong.
May isa raw nanay na ginagamit ang anak niya para makapanloko. Natulungan na raw nila ang mga ito dati pero bumalik uli at muling nananawagan ng ayuda.
“Siguro hindi naman talaga gusto ng ibang tao na manloko pero nangyayari ito dahil na rin sa dala ng kahirapan,” sabi ni Manoy.
“The help that the beneficiaries of the show need is the usual food or financial aid, what they need is something that will help them earn a living and sustain them in the long run,” sabi naman ni Gelli.
Para naman kay Patricia Tumulak, “Sometimes they just want to feel that they are seen and heard. So listening to them is already a form of help. Of course, we don’t stop there. We thoroughly study their cases and try to provide solutions to their concerns.”
Ilan sa mga celebrities na makakasama nina Gelli at Manoy sa mga susunod nilang episode ay sina Miss Universe Philippines 2021 Bea Luigi Gomez at Kapuso actress Andrea Torres.
Napapanood ang “Si Manoy Ang Ninong Ko Season 2” sa GMA 7, tuwing Linggo, 7 a.m. at 8 a.m. naman sa Central at Eastern Visayas.