MUKHANG hindi na nga makakasama ang Parokya ni Edgar frontman na si Chito Miranda sa bagong season ng “The Voice” sa GMA 7 bilang isa sa mga coach.
Iyan ang kumakalat na chika ngayon base sa mahabang post ni Chito sa kanyang Instagram account kung saan inalala niya ang pagiging judge sa “Idol Philippines Season 2” ng ABS-CBN at nang maging coach sa “The Voice Generations” ng GMA.
Kalakip ng kanyang black and white photo ay ang mahaba niyang mensahe na tila nagpapahiwatig na hindi na nga siya magiging coach sa bagong edisyon ng “The Voice” sa Kapuso Network.
Baka Bet Mo: Chito may pa-tribute para sa 28 years ng Parokya ni Edgar: Kahit wala pa kaming kinikita, sobrang saya talaga namin
“Namimiss ko na si Stell, si Jules, si Billie at si Dingdong.
“Namimiss ko na rin si Ate Reg, si Sir Gary, si Robi, and sige na nga…pati si Moi,” simulang pagbabahagi ni Chito.
Pagpapatuloy ng singer-songwriter, “I enjoyed being a coach sa The Voice Generations, and I also enjoyed being a judge sa Idol Philippines Season 2…but I am, first and foremost, the vocalist of Parokya ni Edgar.
“Sobrang saya ng experience ko being a part of both shows.
“Honestly, I didn’t expect na mage-enjoy ako as much as I did (ayoko pa nga tanggapin nung una diba?)…and sa totoo, napamahal talaga sa akin lahat ng mga nakilala at nakatrabaho ko on and off cam, both sa GMA and sa ABS, and I felt truly valued and appreciated on both shows/networks.
“Nasama pa nga ako sa Christmas Station ID ng ABS eh, after Piolo Pascual hahaha…akalain nyo yun?!
Baka Bet Mo: Chito Miranda super happy sa surpresang brand new pickup truck ng asawang si Neri Naig
“Sobrang thankful talaga ako sa opportunity at sa overall experience na binigay nila pareho…and I will forever be grateful,” pagbabahagi pa ng asawa ni Neri Miranda.
Pero sabi ni Chito, kahit sobrang solid daw ng naging experience niya sa mga naturang reality singing competition, “the schedule takes too much time away from my band.
“Dami ko kelangan i-give up na gigs, and ayoko maging unfair sa mga kabanda ko.
“Kung ako lang ang iisipin ko, ok na ko mag-taping sa studio at tumambay sa dressing room buong araw, tapos ang saya pa ng TF…pero paano naman yung mga kabanda ko, at yung mga staff and roadies namin?
“I could continue doing TV shows and make money for myself and my family, or I could prioritize our gigs instead, and make enough money for everyone on our team, including their families…but it’s not just about the money.
“Playing gigs is such a big part of our lives. That is who we are, and that is what we love doing.
“But more importantly, sa Parokya kasi, mas kontrolado namin ang sked namin, unlike sa TV, kelangan mo talaga mag-work around their sked,” ang punto pa ni Chito.
Sa ngayon daw ay nasa point siya ng kanyang buhay, “na mas trip ko na tumambay lang kasama ng pamilya ko, at tumugtog kasama ng mga kabanda ko.
“Walang iwanan sa Parokya.
“Rakenrol!” ang kabuuang pahayag ni Chito Miranda.