Alodia kumpirmadong buntis na: ‘Player 3 has joined the party!’

Alodia kumpirmadong buntis na: ‘Player 3 has joined the party!’

PHOTO: Instagram/@alodia

ILANG oras matapos ibunyag nina Ria Atayde at Zanjoe Marudo na magkaka-baby na sila, aba, nag-confirm na rin ang cosplayer at at gamer na si Alodia Gosiengfiao.

Totoo ang kumakalat na chikang buntis si Alodia sa first baby nila ng mister na si Christopher Quimbo!

Ang masayang balita ay ibinandera mismo ng gamer sa Instagram, kalakip ang video nilang mag-asawa na hawak-hawak ang sonogram ng kanilang baby.

Caption pa ng cosplayer sa post, “Player 3 has joined the party [white heart emoji]”

Baka Bet Mo: Alodia Gosiengfiao, Christopher Quimbo handa na bang bumuo ng pamilya?

As of this writing, ilang minuto pa lang mula nang ipinost ito ni Alodia at marami na ang nasasabik sa motherhood journey niya.

Narito ang ilan sa mga nabasa naming nagpaabot ng “congratulatory” messages:

“OMG CONGRATS TO YOU BOTH [holding back tears, heart emojis] Excited for the mommy alodia era!!!”

“Congratulations!! [heart emojis] baby room tour next po? [smiling face with heart eyes emojis]”

“Ready player three [heart emoji] Congratulations [holding back tears, clapping hands emojis]”

“Wowww congrats!!! About damn time [red heart emojis]”

“Omggg congrats senpaiiii!!! I’m screeeaming!”

Recently lamang nang maging usap-usapan sa social media ang pagdadalang-tao ni Alodia matapos ibandera ang isang cryptic post na makikita ang isang picture ng kanyang kamay na may hawak na mukhang dragon egg.

Dahil diyan, maraming netizens ang naniniwala na magiging magulang na ang couple very soon.

Matatandaan noong April 2022 nang isinapubliko ni Alodia ang real score nila ni Christopher.

Makalipas ang tatlong buwan ay na-enggage na sila at ikinasal noong 2023 kasabay ng Valentine’s Day.

Read more...