SUPER happy ang puso ng award-winning actress na si Charlie Dizon at tila hindi pa rin siya maka-get over sa back-to-back na milestone sa kanyang buhay.
Magugunita noong nakaraang linggo lamang nang magwagi siyang “Best Actress” sa 47th Gawad Urian Awards at sumunod ay ang weddiing nila ng aktor na si Carlo Aquino.
Sa Instagram recently, ibinandera ng aktres ang ilang moments sa special day nila ng mister at pinasalamatan ang lahat ng sumuporta sa kanilang journey.
“First I got my first best actress award from one of my dream award giving bodies, ang Gawad Urian [red heart emoji] congratulations po uli sa lahat ng kapwa ko nominado and of course sa team #ThirdWorldRomance!!” caption ni Charlie.
Kwento pa niya, “A day after, I officially became Mrs. Aquino [white heart emoji] grabe ang timing Lord, I believe this is all YOU [holding back tears, white heart emojis].”
“I want to thank everyone who joined us and supported us on this journey,” sey pa niya sa post.
Aniya pa, “Tulad ng sinabi ko sa vows mahal @jose_liwanag, I am proud that we are here today with people who genuinely love us. And that’s what truly matters, celebrating our love with the people who mean the most [white heart emoji].”
Magugunitang ikinasal sina Charlie at Carlo noong June 9 sa isang private resort sa Silang, Cavite.
Naging bahagi ng wedding entourage ang mga kaibigan nilang celebrities tulad nina Sue Ramirez, Belle Mariano, Kaila Estrada, Adrian Lindayag, Ketchup Eusebio, Ramon Bautista, Loisa Andalio, Elisse Joson at Alexa Ilacad.
Ilan sa mga naging principal sponsors ng bagong kasal ay sina Charo Santos-Concio, ABS-CBN CEO Carlo Katigbak, Sylvia Sanchez, Rhea Anicoche Tan, Art Atayde, Olivia Lamasan, Maricel Soriano at Vilma Santos-Recto.
Walang inilabas na kahit anong detalye ang couple tungkol sa kanilang kasal at lalong walang nabalitang nag-propose na ang aktor sa award-winning Kapamilya actress.
Pero ang nagsilbing clue sa kanilang kasalan ay ang pagdating sa Pilipinas ng mga magulang ni Charlie na nakabase sa Los Angeles, California.