NAGLULUKSA ang music industry sa pagkawala ng legendary R&B singer na si Angela Bofill, na kilala sa kanyang hit song na “This Time I’ll Be Sweeter.”
Siya ay sumakabilang-buhay sa edad na 70.
Ang malungkot na balita ay kinumpirma ng kanyang kaibigan at manager na si Rich Engel sa pamamagitan ng kanyang personal Facebook page.
“ON BEHALF OF MY DEAR FRIEND ANGIE, I AM SADDENED TO ANNOUNCE HER PASSING ON THE MORNING OF JUNE 13TH,” saad sa unang post kung saan inilahad na ang libing ay gagawin sa St. Dominick’s Church sa California sa June 28, 1 p.m.
Baka Bet Mo: Direk Carlo Caparas pumanaw na sa edad 80, showbiz industry nagluluksa
Wika pa sa sumunod na FB post, “JUST TO CLEAR UP THE CONFUSION, ON BEHALF OF SHAUNA BOFILL, HUSBAND CHRIS PORTUGUESE, WE ARE SADDENED BUT MUST REPORT THAT THE PASSING OF ANGELA YESTERDAY IS INDEED TRUE.”
Kung maaalala, madalas bumisita noon dito sa Pilipinas ang American singer-songwriter.
Ang huli niya ay 20 years ago kung saan siya ay naimbitahang mag-concert sa Greenbelt, Makati.
Nagkaroon din siya ng album na inihandog para sa Pinoy fans –ito ang “Live from Manila” na ini-release noong 2006, ang parehong taon na siya ay na-stroke at naparalisa ang kaliwang bahagi ng kanyang katawan.
Sa sumunod na taon, siya ay muling nagka-stroke sa ikalawang beses.
Taong 2011 naman nang muli siyang nag-perform sa entablado at inihayag niya ang pagkatuwa na nangyari ito makalipas ang matagal na panahon matapos magkasakit.
“I feel happy performing again,” sey niya sa isang interview.
Aniya pa, “I need a crowd. In the blood, entertain. Any time a crowd comes to see me, I’m surprised. No singing, no more, and still people come. Wow. Impressed.”
Sa loob ng apat na dekada sa music industry, ilan lamang sa mga sumikat niyang kanta na minahal ng mga Pilipino ay ang “I Try,” “Angel of the Night,” at marami pang iba.