NAOSPITAL kamakailan ang GMA news anchor na si Arnold Clavio matapos makaramdam ng matinding pamamanhid sa kanang braso at binti.
Base sa kanyang kwento sa ibinahagi niyang Instagram post nitong Biyernes, June 14, ay nasa byahe siya pauwi mula sa Eastdgr Golf Course nang makaramdam siya ng pamamanhid sa ilang bahagi ng kanyang katawan.
“Isang regular na araw. Pauwi na ako galing Eastridge Golf Course. Habang nasa biyahe, nakaramdam ako ng matinding pamamanhid sa kanang braso at binti. Di ko na rin maramdaman ang pag-apak sa pedal ng gas at break,” panimula ni Arnold.
Minabuti niyang huminto sa isang gasolinahan para i-check kung ano ang nangyayari sa sarili ngunit hindi na raw siya makalakad papuntang restroom.
Baka Bet Mo: Arnold Clavio inalala si Mike Enriquez sa kanyang ika-72nd birthday: Miss na kita
“Kailangan ko na may mahawakan . Agad kong tiningnan ang sarili ko sa salamin kung tabingi ba ang mukha ko o maga ang mata ko . Wala naman kaya balik na ako sa sasakyan . At hindi ito naging madali,” lahad pa ni Arnold.
Sinabi niya sa sarili na titigil siys sa unang ospital na kanyang makikita kaya mula Antipolo ay maingat niyang binaybay ang Sumulong Highway hanggang makarating sa emergency room ng Fatima University Medical Center.
Kuwento ni Arnold, “Doon inasikaso ako at after ilang test, lumitaw na ang blood pressure (BP) ko ay nasa 220 / 120 at ang blood sugar ko ay umabot ng 270.
“Inirekomenda na isailalim ako sa CT Scan. Doon nakita na may ‘slight bleeding’ ako sa kaliwang bahagi ng aking utak . At sa oras na ‘yon , ako ay nagkaroon na ng ‘HEMORRHAGIC STROKE!’”
At para mas lalong maobserbahan ang lagay ni Arnold ay agad siyang inilipat sa St. Luke’s Hospital kung saan inasikaso siya ng brain attack team ng ospital.
Dinala rin sita sa Acute Stroke Unit ng ospital para mabantayan ang blood pressure at sugar niya.
Kaya naman isang aral ang naturunan ni Arnold mula sa kanyang mga naranasan.
“Feeling okay does not mean your okay. Feeling good does not mean we’re good. Listen to your body. Traydor ang hypertension! Always check your BP,” sey ng GMA news anchor.
Laking pasasalamat naman ni Arnold sa Diyos sa himalang na-experience niya.