SHOCKING ang nangyari kay Paul Klein, ang lead vocalist ng international band na LANY.
Naaksidente kasi siya habang sakay sa kanyang motor at kasalukuyang nagpapagaling sa ospital.
Sa X (dating Twitter) ng singer, ikinuwento niya ang nakakagulat na insidente kamakailan lang.
“On Thursday night of last week, I got hit by a car while I was on my Vespa heading home from the gym. I don’t really remember anything after the collision. I woke up on a stretcher being put into an ambulance,” caption niya sa post.
Buti nalang daw at walang nangyaring malubha sa kanya at buhay pa siya.
Baka Bet Mo: Maine sumakay sa motor para umabot sa concert ng LANY; umangkas nga ba kay Arjo?
“I’ve cried a lot of thankful and happy tears during the last few days. I know how fortunate I am to still be here,” sey niya.
Sinabi rin niya na mabuti ang lagay ng kanyang vitals, pero “challenging” o hirap pa siya sa paglalakad at pagkilos.
Kasunod niyan, sinabi ni Paul na mapo-postpone ang upcoming concerts niya sa Australia at New Zealand bilang bilin na rin ng kanyang mga doktor upang mapabilis ang kanyang recovery.
Wika ng bokalista, “Thank you for understanding. This experience has only intensified the feelings of purpose I have, so I can’t wait to heal up and get back to it.”
hey everyone – on thursday night of last week, i got hit by a car while i was on my vespa heading home from the gym. i don’t really remember anything after the collision… i woke up on a stretcher being put into an ambulance. i’ve cried a lot of thankful and happy tears during… pic.twitter.com/dHO2tIlAc9
— LANY (@thisisLANY) June 12, 2024
Bukod kay Paul, kasama niya sa LANY ang drummer na si Jake Clifford Goss, habang ang gitarista nila na si Les Priest ay humiwalay sa banda noong 2022.
Ang pop-rock band ay nakatakdang bumalik sa Pilipinas para sa isang concert sa darating na Oktubre.
Noong nakaraang taon lamang nang magkaroon sila ng five-day concert sa SM Mall of Asia Arena.
Aminado ang banda na minahal na nila ang ating bansa kaya patuloy nila tayong babalikan.
“We’re coming back for the rest of our lives. Next year, next year, and next year. We love you. Mahal kita,” sey nila sa isang interview.