Jon Santos ipagdiriwang ang Pride Month sa ‘Bawat Bonggang Bagay’ 

Jon Santos ipagdiriwang ang Pride Month sa ‘Bawat Bonggang Bagay’ 

PHOTO: Instagram/@jon_to_the_world

MATAPOS ang ilang beses na sold-out runs noong nakaraang taon, muling bibida sa entablado ang veteran actor-comedian na si Jon Santos.

Magkakaroon kasi ng rerun ang kanyang interactive one-man play na “Bawat Bonggang Bagay” ngayong buwan!

Ayon sa The Sandbox Collective, ito ang special staging na inihanda nila para sa pagdiriwang ng Pride Month na mangyayari na sa darating na June 22 hanggang 30.

Baka Bet Mo: Sue Ramirez excited na, dream come true ang pagsabak sa broadway musical

Para sa mga hindi aware, ang “Bawat Bonggang Bagay (BBB)” ay ang Filipino translation ng “Every Brilliant Thing” ng English playwright and director na si Duncan Macmillan.

Pero ang kaibahan lang, mas personal at nakaka-relate ang atake nito sa mga kababayan nating mga Pilipino.

Ilan lamang sa mga tatalakayin ni Jon sa show ay tungkol sa mental health, sexuality at ilang “taboo” pagdating sa mga nakasanayan nating kultura.

Ang interactive play ay translated by Guelen Laurca at unang tumungtong sa entablado bilang parte ng Sandbox Fest 2023.

Last year lang din nang magkaroon ito ng dalawang nominasyon sa 2023 BroadwayWorld Philippines Awards –ang BBB ay nominated bilang “Best Play,” habang si Jon ay “Best Actor.”

 

 

Setyembre ng nakaraang taon naman nang huling magkaroon ng limited rerun ang BBB na may six sold-out performances.

Ang upcoming show ay muling pangugunahan ni Direk Jenny Jamora at produced in partnership with Samsung Performing Arts Theater and Avida.

Read more...