SB19, Ben&Ben, Inigo, LANY, Pink Sweat$ hahataw sa MYX Awards 2021
Inigo Pascual, Ben&Ben at SB19
NAKAKABILIB na performances ng mga bigating artists mula sa iba’t ibang panig ng mundo ang dapat abangan sa MYX Awards 2021 sa darating na Aug. 7 (Sabado), 8 p.m..
Siyempre bibida ang Pinoy talents na Ben&Ben, BGYO, Ebe Dancel, Inigo Pascual, Leanne & Naara, Maris Racal, Nameless Kids, Zild, at SB19 sa mga pinaghandaang performances na mapapanood sa #MYXAwards virtual stage.
Dapat ding abangan ang magiging special number nina KZ Tandingan, Bayang Barrios, Cooky Chua, Noel Cabangon at Yeng Constantino.
Hindi naman magpapahuli ang mga foreign acts na LANY, AJ Mitchell, Alec Benjamin, Clinton Kane, Jack Kays, Joel Corry, John K, JP Saxe, Lukas Graham, MAX, New Hope Club, Ritt Momney, T1419, Tom Grennan, Valley, at Pink Sweat$ sa paghahatid ng kanilang musika.
Si Edward Barber ang magiging host ng inaabangang musical event kasama ang MYX VJs na sina Ai dela Cruz at Samm Alvero. Mapapanood ito nang live sa MYX Global accounts sa Facebook, kumu, TikTok, Twitter at YouTube.
Makakasama rin sina Luis Manzano, Gerald Anderson, James Reid, Maymay Entrata, at Ogie Alcasid, at ilan pang sorpresang celebrities bilang presenters ng awards.
Muling kikilalanin ng MYX Awards ang mga paboritong artists at music videos ng Pinoy fans base sa fan votes (60%) at artist poll (40%). Pangangalanan din ang magiging MYX Magna awardee ngayong taon.
Sa unang pagkakataon ay igagawad ang Kumu Music Streamer of the Year special award para sa pinakasikat na music streamer sa Pinoy community app na kumu.
Huwag palampasin ang #MYXAwards2021 na magaganap na sa Sabado, live sa social media accounts ng MYX Global.
Magkakaroon din ito ng television premiere sa darating na Aug. 14 (Linggo) sa MYX via SKmyYcable ch. 23 at Cignal ch 150.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.