Toni Fowler, Tito Vince naghiwalay pero nagbalikan makalipas ang 8 oras

Toni Fowler, Tito Vince naghiwalay pero nagbalikan makalipas ang 8 oras

Toni Fowler at Tito Vince

WALONG oras lang pala nagkahiwalay ang magdyowang social media personalities na sina Vince Flores o Tito Vince at Toni Fowler.

Iyan ang rebelasyon ni Tito Vince nang mapag-usapan ang tungkol sa napabalitang breakup nila ni Toni ilang linggo na ngayon ang nakararaan.

Naloka at na-shock ang kanilang mga supporters nang biglang kumalat sa social media ang balitang hiwalay na sina Vince at Toni dahil wala naman silang naaamoy na isyu sa pagitan ng mag-partner.

Baka Bet Mo: Toni Fowler ‘nadismaya’ sa birthday gift ng dyowa na si Vince Flores, bakit kaya?

Sa panayam ng “Good News” ng GTV kay Vince, naikuwento niya ang naging love story nila ni Toni Fowler na nagsimula pa noong 2017.


Nangailangan daw noon ang singer at vlogger ng MC o hypeman para sa kanyang girl group at tamang-tama naman daw na walang masyadong pinagkakaabalahan si Vince that time.

Naging maayos naman ang working relationship ng dalawa hanggang sa ma-develop na nga sa isa’t isa. Nabigyan din ng chance si Vince na sumikat sa social media at maging isang content creator.

Nang maging magkarelasyon sila ni Toni ay naging malapit din si Vince sa anak nitong si Tyronia.

“Hindi ako nahirapan kuhanin ang loob ni Tyronia. Una pa lang, nag-click na agad kami. Kakulitan niya, kakulitan ko. Si Tyronia siyempre ang first daughter, first child ko kumbaga,” pahayag ni Vince.

Baka Bet Mo: Aktor na nadiskubre ni Brillante Mendoza nang dahil sa 100 kutsara at 100 tinidor papalit sa trono ni Coco?

“Hindi naman siya galing talaga sa akin. Anak ko siya by heart,” aniya pa.

Naging galante rin si Vince sa mag-ina dahil naipangako raw niya sa sarili na kapag nagkapamilya siya ay ayaw niyang danasin ng kanyang magiging asawa’t anak ang naranasan niya noong bata pa siya.

Lumaki raw siyang walang pera dahil nasa ibang bansa ang kanyang nanay habang ang tatay naman niya ay may kinasamang ibang babae. Laking-lola raw silang magkakapatid.

Inggit na inggit raw siya lagi sa kanyang mga kaklase dahil sa mga bago nilang gamit. Kaya nang mag-birthday si Tyronia kamakailan ay binigyan niya ito ng sapatos.


Bukod dito, niregaluhan din ni Vince si Toni ng P32 milyon halaga ng insurance noong magdiwang din ito ng kaarawan.

Samantala, inamin ni Vince na humarap din sila ni Toni sa matitinding pagsubok, lalo na noong mahirapan silang makabuo ng sariling anak.

“Ang dami naming struggles. Ang daming moment na huminto kami, nakipaghiwalay pa siya sa akin kasi sabi niya, ‘Parang hindi naman ibibigay sa atin ito (baby). Sumusuko na siya,” ani Tito Vince.

Patuloy niya, “Na-frustrate siya. Sabi niya ‘Ihinto na natin ‘yung pagsubok. Hindi namin alam, noong mga oras na ‘yon na inaaway niya ako, buntis na siya.”

At nito ngang nagdaang February, sinorpresa ni Toni si Vince sa balitang  nagdadalang-tao na nga siya. Pero habang nagbubuntis ang vlogger ay saka naman kumalat ang chikang hiwalay na sila.

Sa isang post ni Toni sa social media ay mababasa ang kanyang mensaheng, “Back to #SingleMom.”

“Ang nangyari po kasi, si Toni, siyempre naglilihi. Pinaglilihian siguro ako. Lahat na lang ng mga negative kong ugali, sinasabi niya sa ate niya, sinusumbong niya.

“Ako noong moment na ‘yon, ‘Magbanggit ka naman ng mga magandang ugali ko.’ Huwag naman ‘yung puro kasamaan.

“Napapatulan ko siya, natataasan ko siya ng boses. ‘Yun ang worst po naming away. Naghiwalay kami for eight hours,’” ang paliwanag ni Vince.

Yun daw ang unang pagkakataon na naghiwalay sila na hindi niya sinundan si Toni, “After eight hours, hindi ko na kaya. Sabi ko, ‘Ganito pala ‘yung mundo nang walang Toni Fowler sa buhay ko.’”

Muling sinuyo ni Vince si Toni at pinatawad naman daw siya nito na umaming dala lang daw ng mood swing (dahil sa kanyang pregnancy) kaya naging emosyonal siya.

Sey pa ni Vince, “Mas pina-practice ko na ‘yung patience ko, mas pahabain pa. Si Toni po ang nagpalabas ng better version ko.”

Read more...