Rebelasyon ni Xian, si Kim ang nakipaghiwalay: Sino ang nagkulang?

Rebelasyon ni Xian, si Kim ang nakipaghiwalay: Sino ang nagkulang?

Kim Chiu at Xian Lim

“TO be completely honest, I wasn’t the one who engaged in the separation,” ang paglilinaw ni Xian Lim tungkol sa paghihiwalay nila ni Kim Chiu.

Siguradong magre-react na naman ang mga supporters ni Kim sa muling pagpapa-interview niya on national TV tungkol sa kontrobersyal na breakup nila ng kanyang ex-girlfriend.

Sa panayam kay Xian ng “Fast Talk with Boy Abunda” kahapon, June 12, ni-reveal ng aktor at direktor na hindi siya ang nakipaghiwalay kay Kim tulad ng naglalabasang chika – it’s the other way around.

Baka Bet Mo: Rico Blanco nabahala sa takbo ng relasyon nila ni Maris: Sabi ko, ‘Hala, hindi pa tayo nag-aaway!’

Una munang tinanong ni Tito Boy ang Kapuso actor kung magkaibigan pa rin ba sila ni Kim kahit na naghiwalay na sila. Kitang-kita sa camera na na-shock si Xian sa question.


“Of course, of course. Nagulat ako sa tanong. Of course, yes!

“To be completely honest, ever since we went our separate ways, hindi pa po kami nakakapag-usap.

“But when that night happened, maayos yung pag-uusap namin.

“Of course, merong iyakan, but there was that assurance na we went through twelve years, di ba? Twelve years of our existence so it has that respect,” pahayag ng binata.

Pagpapatuloy pa ng aktor, “Ang dami kasing kuwento. Yun nga yung mahirap sa isang public relationship.

“They’ve been there since day one nung panliligaw pa lang, all the way to more than a decade.

Baka Bet Mo: Alden inatake ng matinding lungkot nang mawala ang TVJ sa ‘Eat Bulaga’: ‘Parang hindi na ako makakabalik sa pamilya…’

“People come up with all these made up lies kung anuman but we released our statement na we both decided to part ways.

“To be completely honest, I wasn’t the one who engaged in the separation. Yun lang po siya. It’s that simple. I wasn’t the one who initiated the breakup.”

Sunod na question ni Tito Boy, “If you have it your way, hindi pa kayo hiwalay ni Kim?”


Tugon ng Kapuso star, “It’s such a delicate… I understand why the supporters are angry. I understand why they feel betrayed.

“Pero masakit din yon para sa amin. They’re watching it from a distance. Eto kaming dalawa and we have our talks. Nag-usap kami privately.

“Hindi na kailangan pang himayin kung sino ang nagkulang. I think the length of it speaks for itself,” lahad ni Xian.

Dagdag niya, “And yung mga pambabatikos sa akin ng karamihan, I think they should just look at it from a lens na for more than a decade, I never had any… my record is clean and I’m proud of that.

“You’re not gonna see me in places you’re not supposed to see me. Yun lang siya. The time speaks for itself,” aniya.

Naglabas din siya ng kanyang saloobin sa mga nagsasabing ginagamit niya si Kim para sa promo ng bago niyang pelikula.

“It’s just sad na maraming intriga na lumalabas, especially against me. And I don’t wanna make it seem, like, ‘O bakit yan si Xian, ang ingay-ingay ngayon? Kung anu-ano ang pinagsasasabi because may promo ng pelikula?’

“It’s just a very delicate thing and I do understand why people are upset, but we are okay,” ang may hinanakit pang sabi ni Xian Lim.

Read more...