DREAM come true para sa mga OPM icon na sina Sarah Geronimo at Billy Crawford ang kanilang bonggang collaboration para sa isang bagong song.
Sabay na bumalik sina Sarah at Billy sa “It ‘s Showtime” kahapon, June 11, kung saan muli silang humataw together in one stage para sa opening ng naturang programa with their first ever music collab na “My Mind.”
Baka Bet Mo: Wilbert dinepensahan si Madam Inutz: Huwag n’yong tapakan ang tao nang sobra sobra
“Matagal na kami ni Sarah na gustong magtrabaho together. So this year just made it really happen for us.
“Produced by Jin Chan and me, sinulat namin ‘yung kanta habang wala pa si Sarah. Pagbalik niya…after a few days tapos na yung ‘My Mind,'” kuwento ni Billy sa madlang pipol.
Sey naman ng Popstar Royalty, noon pa niya idol si Billy at talagang hinahangaan niya ang pagiging versatile performer nito bukod sa magaling pang mag-host.
“Ako talaga maliit pa lang ako napapanood ko na si Billy Crawford. Si Billy ay gem ng Philippine music industry and it’s always a joy and a privilege na mapanood ang ganito kagaling na artist.
Baka Bet Mo: Stephan kay Kiray: Gusto ko ikaw ang maging dulo at katapusan ko, mahal na mahal kita sobra, sobra, sobra!
“Totoo ‘yan. We love you Billy as a performer and as a person. At maraming salamat, sobra akong honored,” pahayag ng singer-actress.
Pag-amin pa ng wifey ni Matteo Guidicelli kay Billy, “Alam mo nagpapa-cool lang ako sa iyo lagi pero sobra akong nai-starstruck sa iyo every time.”
Reaksyon naman ni Billy sa mga papuri ni Sarah G, “Anyway vice versa rin naman, Sars lahat naman ng tao rito.
“Pero alam niyo kasi napakahusay talaga ng mga Pinoy. Just to work with someone like Ms. Sarah G, it’s such an honor, such a pleasure. So lahat ito ay orchestrated by God,” sabi pa ni Billy.
Mensahe pa ni Sarah, “Importante lang talaga na minamahal natin ang sarili nating musika, we keep on making original music. Sige lang, don’t stop.”