Albie kampi kay Nikko, walang mali sa sinabi: Saludo ako sa ‘yo, brother

Albie kampi kay Nikko, walang mali sa sinabi: Saludo ako sa 'yo, brother

Albie Casiño, Vice Ganda at Nikko Natividad

KINAMPIHAN ng Kapamilya hunk actor na si Albie Casiño si Nikko Natividad na umaani ngayon ng batikos matapos  patamaan si Vice Ganda sa kanyang social media post.

Habang pinupuntirya si Nikko ng fans ni Vice dahil sa kontrobersyal niyang pahayag sa viral “beso” ng isang male searchee sa female searcher na sumalang sa “EXpecially For You” ng “It’s Showtime,” may nagtatanggol pa rin naman sa aktor.

Baka Bet Mo: Jaclyn Jose binanatan si Albie; may pakiusap kay Direk Lauren Dyogi

Isa na mga riyan si Albie na nagpahayag ng suporta kay Nikko sa pamamagitan ng kanyang Instagram page kung saan matapang niyang sinaluduhan ang katapangan ng dating member ng Hashtags na una ngangg nakilala sa “It’s Showtime.”


Ni-repost ni Albie sa kanyang IG Story ang Facebook status ni Nikko na nagsasabing hindi siya nagsisisi sa kanyang ginawa dahil ipinagtanggol lang naman daw niya ang mga taong naaagrabyado.

“Saludo ako sayo brother @nikkonatividad. Wala naman mali sa sinabi ni Nikko, lahat naman tayo may sariling opinion and we all (have) the right to voice that,” mensahe ni Albie kay Nikko.

Baka Bet Mo: Cristy Fermin naawa kay Albie: Siya dapat ang Daniel Padilla ngayon

Aniya pa, “Ang mahirap is gusto niyo mawalan ng trabaho ang taong nag susuport ng pamilya dahil lang sa opinion niya.”

Marami kaming nabasang komento na pinipetisyon si Nikko na tanggalin na sa Kapamilya series na “FPJ’s Batang Quiapo” dahil sa mga naging patutsada niya laban kay Vice Ganda.


At knows ni Nikko na posible itong mangyari base nga sa kanyang FB post, “For the last time na magsasalita ako tungkol sa nakaraan kong post. Unang una sa lahat hindi ako nagsisisi na nagsalita ako ng sarili kong saloobin.

“Hindi ako nagsisisi na ipagtanggol ang ibang tao. Nababasa ko mga komento nyo saken at ang gusto nyo mawalan ako ng trabaho dahil lang sa naglabas ako ng sarili kong saloobin. (Na alam ko na posibleng mangyari).

“Kung ikekwento ko ba pinagdaanan at iniyak ko sa kanila magbabago ba tingin nyo sakin? Pero hindi naman yun ang intensyon ko na kumuha ng simpatya o makisali lang sa gulo.

“Naglabas ako ng saloobin ko dahil baka sakaling makatulong na may maayos o mabago na sitwasyon. Kasi ganun naman ang pamilya at kaibigan. Tatapikin ka kapag alam mong sumosobra o medyo nagkakamali na…

“Hindi po ako naghahanap ng kaaway, ang pagkakabura po ng post ko ay management decision, tunay at bukas sa isip at puso ko ang sinabi ko, payapa ang aking kalooban,” aniya pa.

Read more...