Sanya Lopez naloka sa stalker: Nakakapraning! Alam kung nasaan ako!

Sanya Lopez naloka sa stalker: Nakakapraning! Alam kung nasaan ako!

Sanya Lopez

SA kauna-unahang pagkakataon ay inamin ng Kapuso actress na si Sanya Lopez na meron na siyang mga lalaking naka-MU o mutual understanding nitong nagdaang mga taon.

Hindi pinangalanan ni Sanya ang mga naka-MU niyang guys pero lahat daw ay hindi nag-level up sa mas seryosong relasyon dahil sa nadiskubre niyang mga “red flags” bukod pa sa pagiging demanding ng mga ito.

Baka Bet Mo: Sharon in-unfollow ang mga fans sa socmed: ‘Sorry about this pero kailangan kong gawin! Please understand’

“Ka-mutual understanding lang talaga sa akin, laging ganu’n lang. Lagi akong nandoon sa, feeling ko sasagutin ko na dapat siya pero biglang, ‘Ooops, wait lang,’” ang revelation ni Sanya sa panayam ng “Chika Minute” sa “24 Oras.”


Pero anu-ano nga ang dahilan ng kanyang pag-urong, “Medyo kapag nagiging masaya na ako masyado, ipinagpe-pray ko na ‘yan.

“Then after kong mag-pray, nakikita ko na agad ‘yung mga red flag, lumalabas ang red flags niya,” sabi ng Kapuso actress.

Mga demanding din daw ang mga lalaking naka-MU niya kaya nate-turn off na siya agad at hindi na umaabot pa sa pagbibigay niya ng matamis na “OO.”

“Laging ‘yun ang demand niya sa akin, time. Na ‘You don’t have time for me, parang lagi ka na lang work. Work, work, work.’

“Part of it, feeling ko fault ko rin naman talaga na hindi ko mabigyan ng ‘yung isang tao ng oras because may mga pina-priority ako,” sey ng dalaga.

Baka Bet Mo: Liza humingi na ng tawad kina Ogie, Enrique, sa ABS-CBN at sa fans; may mensahe rin sa pumanaw na discoverer

Ngunit para kay Sanya, “If you really love someone, maiintindihan mo naman siguro ‘yung sitwasyon ko. And madalas kasi nagiging issue lang naman sa amin pareho is that hindi nila naa-appreciate ‘yung oras na ibinibigay ko sa kanila.”


Ano naman ang pananaw niya tungkol sa pakikipag-date ngayon, “Sadly ang nangyayari sa generation now, ‘yung dating is just like a normal na puwede kang makipag-date kung kani-kanino, nagiging normal na sa atin ‘yung mga dapat hindi natin ginagawa.

“Ang hirap makahanap ng true love. That’s why natatakot ako pumasok sa relasyon, kasi feeling ko may seseryoso ba sa seryosong katulad ko?” aniya pa.

Samantala, naikuwento rin ni Sanya ang tungkol sa stalker niya noon, “Nakakatakot siya. May moment na, hindi ko alam kung nanghuhula lang ba, ang galing niya kung paano…‘Nandito ka ano?’ Parang may ganu’n. Nakakatakot lang kasi, chat lang naman siya though.

“Anytime, ‘May camera ba rito?’ Nakakapraning din minsan na parang, kunwari nasa labas ako, alam niya. ‘Nandito ka pala,’” kuwento ni Sanya.

Read more...