Ang “Pieta” ay pinagbidahan at ipinrodyus ni Konsi Alfred kung saan nakasama niya ang tatlong itinuturing na movie at TV icon sa Philippine Cinema – sina Nora Aunor, Gina Alajar at ang yumaong si Jaclyn Jose.
Itinanghal na Best Actor ang Kapuso star sa naganap na 2024 Famas Awards na ginanap sa Manila Hotel noong May 26.
“I’d be honest, nasaktan ako noong hindi ito nakapasok sa filmfest. Many people believe in this movie.
“Kakaunti pa lang talaga ang nakakapanood nito. Ang tanong nila ay kung bakit hindi ito nakapasok sa MMFF?” ang pahayag ni Alfred nang makachikahan siya ng ilang members ng press kasama ang BANDERA sa kanyang pa-thanksgiving.
“Masakit pero I have accepted the fact na ang hirap talagang makapasok sa MMFF. Parang dumaan ka talaga sa butas ng karayom. I had my share of MMFF films.
“So, ganu’n talaga. Sometimes you make it, sometimes you don’t. Nasasayangan talaga ako na hindi siya nakapasok sa MMFF,” aniya pa.
Ngayong taon, walang planong sumali si Alfred sa MMFF, “I am focused on public service and sa pag-iikot ng pelikula nating Pieta sa iba’t ibang panig ng Pilipinas. Ito’y para na rin sa lahat ng mga Noranians.”
Sa tanong kung ano na ang plano niya sa 2025 elections, “Nothing is final until we file. But for now, I want to commend my brother, Patrick Michael, who is doing a great job as a congressman.
“Aaminin ko mas magaling siyang congressman kesa sa akin. We will let the people decide. Actually si Nay Lolit (Solis, his manager) na rin ang nagsabi na i-enjoy ko muna ang pahinga ko,” sabi ng aktor.
Kasunod nga nito, in-announce ni Alfred ang mga nakatakdang special screening para sa pelikula nila ni Ate Guy, “Pieta will be shown exclusively in SM cinemas. We will tour the movie through exclusive screenings.
“As of now, we have fully booked screenings across the country. In one of the screenings, Nora Aunor will be there.
“Late June talaga ang special screening with Ate Guy. Tribute rin ito sa pagiging artist niya. July onwards start na ng tour for ‘Pieta,” sabi pa ng konsehal na muling mapapanood sa upcoming series ng GMA 7 na “Forever Young” kasama sina Nadine Samonte, Eula Valdes, Althea Ablan at marami pang iba.