INIALAY ng award-winning actress na si Rosanna Roces ang bago niyang teleserye sa ABS-CBN na “Pamilya Sagrado” sa yumaong TV executive na si Deo Endrinal.
Present si Osang sa ginanap na celebrity at press screening ng latest Kapamilya drama series nitong nagdaang Sabado, June 8, sa Gateway Cineplex, na pinagbibidahan nina Piolo Pascual, Grae Hernandez at Kyle Echarri.
Ito ang huling proyektong pinamahalaan ni Deo Endrinal sa Dreamscape Entertainment bago siya namaalam noong February, 2024 kaya naman todo ang pasasalamat ni Osang sa kanya.
Baka Bet Mo: Osang excited nang makatrabaho uli si Piolo sa ‘Pamilya Sagrado’
In fairness, mula nang gawin ni Osang ang “Los Bastardos” sa Dreamscape, ay hindi na siya nawalan ng trabaho sa ABS-CBN.
Pagkatapos kasi nito ay nabigyan pa siya ng ibang proyekto kabilang na riyan ang “FPJ’s Ang Probinsyano” at “Pira-Pirasong Paraiso” kung saan gumanap siyang kontrabida.
Kuwento ni Osang, ibang-iba naman ang role niya sa “Pamilya Sagrado,” “360 (degrees) from ‘Pira-Pirasong Paraiso’ kasi doon salbahe ako doon e, sobrang laging galit ‘di ba? Dito naman parang wala akong eksena na ngumingiti ako.”
“Kasi ako ‘yung nanay noong namatay, so kanina nga, pinapanood ko. Kanina lang din ako nagkaroon ng visual sa pagkamatay niya. Wala akong nakikita habang sinu-shoot.
“Isang eksena lang kami nagkasama ni JC Alcantara, so kanina medyo naluluha-luha ako while tina-tackle ‘yung pagkamatay niya, ‘yung paano siya bibigyan ng hustisya,” pahayag ni Osang sa naganap na presscon ng serye pagkatapos ng screening.
“Wala akong alam kung paano siya namatay, kung paano siya nahirapan. Kanina ko lang nakita,” aniya pa.
Baka Bet Mo: Aiko sa rebelasyon ni Eric Quizon: Akala ko hindi niya ako type!
Sabi pa ng premyadong aktres, iniaalay niya kay Deo ang naturang project lalo na ang kanyang performance dahil nga isa siya sa personal na pinili ng pumanaw ng TV executive para sa naturang serye.
“Talagang mayroon akong effort na galingan, kasi nga handpicked na kami ni Sir Deo Endrinal. So ‘yun, lagi kong pinagpapasalamat na mula noong nagsimula ako sa ‘Los Bastardos’, hindi na ako nawalan ng project,” sabi ng aktres.
Dagdag pa niya, “Palagi kong iniisip na ibinabalik ko sa kaniya ba ‘yung respeto ‘yung lahat ng pagpapasalamat through acting na hindi ko kasi nasabi sa kanya iyan noong buhay pa siya, hindi kami nagkaroon ng pagkakataon na magkita parati.
“So hanggang sa nawala na siya, malungkot pero ito ‘yung naiwan niya e, ito ‘yung talaga niyang naiwan na project, so kung mayroon man offer na nag-overtake dito, hindi ko talaga (ginawa) sabi ko hintay lang kasi Deo ‘to e,” sey ni Osang.
Ang “Pamilya Sagrado” ay mula sa direksyon nina Lawrence Fajardo at Andoy Ranay, at mapapanood na simula sa June 17, 8:45 p.m., sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z, Jeepney TV, at TV5.