TOTOO ba ang naglabasang chika na nagtampo at may sana ng loob ang Jukebox Queen na si Imelda Papin kina Dingdong Dantes at Piolo Pascual?
Nag-ugat ang naturang chika sa pagkakabuo ng grupo nina Dingdong na tinatawag na AKTOR PH sa kabila nga ng pagkakaroon na ng Actor’s Guild na ang pangunahing layunin ay makatulong sa entertainment industry.
Bukod kay Dingdong, ang iba pang Board Members ng AKTOR PH ay sina Iza Calzado, Cherry Pie Picache, Agot Isidro, Mylene Dizon at Jasmine Curtis-Smith.
Baka Bet Mo: Pelikula ng 4 na senador-action star pinaplantsa na para sa MMFF 2024
Nakachikahan namin si Imelda Papin kamakailan pagkatapos siyang harangin ni Pangulong Bongbong Marcos bilang isa sa mga direktor ng Philippine Charity Sweepstakes Office o PCSO.
Isa nga sa mga naitanong sa kanya ang tungkol sa pagkakatatag ng AKTOR PH na pareho rin ng mga ipinaglalaban ng kanilang samahan, ang Katipunan ng mga Artista ng Pelikulang Pilipino at Telebisyon (KAPPT) o Actors Guild of the Philippines.
“Kung tutuusin dapat nag-usap muna kami bilang respeto sa Actor’s Guild, kasi yun naman talaga ang samahan ng mga artista sa pelikula at telebisyon. Sana meron man lang pasabi.
“Pero okay lang sa akin yun, nu’ng una yun ang sentiment ng board. Kahit sino naman na parang, ‘Ah, ganu’n ba? Meron ba? Bakit?’ But for me, normal reaction lang yun ng board,” aniya pa.
“But sa akin, okay lang. Sabi ko nga, may freedom naman tayong lahat. Anybody can put up their own guild, you know. So sa akin, walang problema ‘yun, welcome. Kami naman ni Dingdong, okay kami.
Baka Bet Mo: Liza pak na pak sa pagrampa sa SAG Awards: ‘Nakakaiyak ang ganda!’
“There’s no compettition at all. Kasi, ang mga member naman, karamihan ay mga television artists. Sa akin naman (Actors Guild) karamihan ay mga worker talaga,” paliwanag pa ng OPM icon.
“Siyempre, noong una, nagtaka lang, nagulat lang. Merong Actors Guild, why there’s another actors guild? AKTOR pa ‘yung pangalan, pero noong una lang naman ‘yon.
“Sabi ko naman sa kanila (board), don’t worry about it. Kung ano ang gusto ng bawat isa, irespeto ‘yun,” paliwanag pa niya.
Totoo bang na-bad trip sila sa grupo nina Dingdong at Piolo dahil dito, “Ay hindi! Sabi ko nga, may freedom naman lahat, kung gusto nilang magtayo ng kanya-kanyang organisasyon, welcome naman lahat.
“So kung ginawa ni Dingdong ‘yun, it’s fine! Marami pa sigurong magtatayo ng kanya-kanyang guild, di ba? Welcome lagi ‘yun.
“Mahirap na laging may kalaban tayo sa politika nga nagkakaroon ng mga problema, na kapag hindi kayo magkaalyado, naglalaban-laban. Eh, ayaw natin sa showbiz ‘yun,” lahad pa ni Imelda.
Puwedeng-puwede rin daw lumapit sa kanya ang mga miyembro ng AKTOR PH, “Oo naman, very much willing. Wala tayong pipiliin dito. Kilala niyo naman siguro ako, ayokong pumili ng taong tutulungan.
“Basta ako, bukas ang aking pintuan. Nandito na ako, so puwedeng mas mabilis. Definitely hindi ko pababayaan ang showbiz. Pamilya ko ang showbiz, dahil kung wala ang showbiz, wala rin ako dito.
“So I think, payback time ko na ito. So, gagawin ko ang lahat para makatulong sa showbiz,” ang sey pa ng bagong Board of Director ng PCSO.
Samantala, wala raw alam si Imelda sa balitang una raw in-offer sa award-winning actress na si Elizabeth Oropesa ang posisyon sa PCSO, pero tinanggihan umano niya ito.
“Kung in-offer kay mare? Ay, hindi ko alam. Ang alam ko, lima naman ang pinipiling Board of Directors. At nag-congratulate naman siya sa akin,” sagot ni Imelda Papin.