Heart bawas rampa sa fashion events; Pinas Sarap ni Kara No. 1 sa GTV

Heart bawas pagrampa sa fashion events; Pinas Sarap ni Kara No. 1 sa GTV

Kara David at Heart Evangelista

FEELING ng Kapuso actress si Heart Evangelista mababawasan ang pag-attend niya sa mga fashion events here and abroad dahil sa bago niyang trabaho.

Ito nga ay ang pagiging pangulo ng Senate Spouses Foundation, Inc., matapos italagang Senate President ang kanyang mister na si Sen. Chiz Escudero.

Nitong nagdaang linggo, nanumpa na bilang presidente ng SSFI kung saan nangako siyang gagawin ang lahat para maisakatuparan ang mga adbokasiya ng kanilang samahan.

Baka Bet Mo: #WowMali: Kara David napagkamalang si Jessica Soho habang tumatakbo sa UP Diliman

Pagkatapos ng naganap na oathtaking, dumiretso na ang global fashion and style icon sa fashion show ng celebrity fashion stylist na si Bang Pineda.


Ayon sa Kapuso star, base sa panayam ni Aubrey Carampel sa “24 Oras”, suportado pa rin siya ni Sen. Chiz sa kanyang mga fashion events pero mukhang mababawasan nga ito dahil sa pagtupad sa mga tungkulin niya sa SSFI.

“Definitely, kailangan ko magtrabaho. And, I think, ‘yun ‘yung maganda sa relationship namin ni Chiz. May kailangan siyang gawin, may kailangan rin akong gawin.

“He supports me, I support him. And, I like it, so, I will do it,” pahayag pa ni Heart.

* * *

Ang travel at food documentary program ng GMA Public Affairs na “Pinas Sarap” ang number 1 program sa GTV.

Ayon sa datos ng Nielsen TV Audience Measurement mula January 1 hanggang May 18, 2024, pinangunahan ng Pinas Sarap ang lahat ng programa ng GTV sa Total Philippines (Urban and Rural). Nakapagtala ito ng people rating na 2.9 percent.

Baka Bet Mo: Kara David ibinandera ang pagtatapos ng anak bilang magna cum laude

Sa Urban Philippines naman, nakakuha ang Pinas Sarap ng people rating na 3.4 percent para sa parehong panahon, mas mataas sa katapat nitong programa tuwing Sabado sa TV5 na “Everybody Sing!” (January 6 hanggang February 10) na nagtala ng people rating na 3.3 percent at “The Voice Teens” (February 17 hanggang May 18) na may 2.9 percent.

Nagpasalamat ang host nito at award-winning broadcast journalist na si Kara David sa tagumpay ng programa.

“Maraming salamat sa lahat ng masisipag na staff at crew ng programa. Higit sa lahat, salamat mga Kapuso sa walang sawang pagsubaybay sa Pinas Sarap sa nakalipas na pitong taon.


“Makakaasa kayong mas bubusugin pa namin kayo ng magagandang kuwento ng pagkain at kulturang Pinoy!” ani Kara.

Nasa ikapitong taon na ang nasabing TV show na nagdadala sa viewers sa kakaibang culinary journey sa buong Pilipinas.

Mula sa pagtatampok ng mga heritage recipe hanggang sa culinary trends na sikat sa online, nagsisilbi itong platform na nagbibigay-daan sa iba’t ibang bayan, lungsod, at probinsya na ipagmalaki ang kani-kanilang delicacies sa local at international audience.

Panoorin ang “Pinas Sarap’ tuwing Sabado, 8:15 p.m. sa GTV.

Read more...