Sue Ramirez excited na, dream come true ang pagsabak sa broadway musical

Sue Ramirez excited na, dream come true ang pagsabak sa broadway musical

PHOTO: Courtesy of Sean Jimenez

SUPER excited na ang Kapamilya actress na si Sue Ramirez sa kauna-unahan niyang broadway musical!

Kamakailan lang, nagkaroon ng press conference ang upcoming show na “Little Shop of Horrors” at dito niya ibinunyag na isa itong dream come true para sa kanya.

Naikuwento pa nga niya na bata pa lamang siya ay mahilig na siyang kumanta at manood ng musical films.

“Since I was a little kid, I love to sing especially on the karaoke. ‘Yun ‘yung bonding namin ng pamilya ko growing up. And then I went to school, I sang in my school tuwing first Friday Mass,” pag-alala niya.

Sey pa ni Sue, “Pero wala akong formal training, but I used to always watch musical movies. I love ‘Mama Mia,’ I love ‘Phantom of the Opera,’ I love ‘Les Misarables.’ So I grew up with all these broadway plays turned into movies.”

Baka Bet Mo: ‘Little Shop of Horrors’ star-studded; bibida sina Sue, Karylle, Nyoy, Reb

“So bata pa lang ako, gusto ko nang mag-try mag-theater…going to show business when I was 13 years old, I mostly got projects for TV and movies but there’s always inside of me really wanting to explore more. Parang there’s more to acting than just saying your lines. I wanted to do musical talaga. It was always a dream of mine growing up,” pag-amin niya.

At bilang nabigyan siya ng oportunidad sa mundo ng teatro, lubos ang pasasalamat ni Sue sa tiwalang ibinigay sa kanya.

“Doble talaga ‘yung work I put into this kasi I know that I’m working with veteran theater actors and I really have to catch up, but they don’t make me feel that naman. But yeah, since I was a kid, I always wanted to do theater,” saad niya.

At speaking of singing talent ni Sue, nagpakitang-gilas nga pala siya bago magsimula ang Q&A with the entertainment press.

Marami kaming napa-wow at bumilib nang magkaroon siya ng sample solo performance bilang pasilip sa kanyang role sa nasabing broadway.

Ipinakita ng young actress na marami pang dapat abangan sa kanyang mga pasabog sa show.

“Actually, a lot of people gets surprised that I know how to sing –and still improving with the help of our musical director and amazing Ejay Yatco and also our Director Toff De Venecia,” sambit niya matapos pansinin ng isang taga-media ang kanyang singing talent.

Aniya pa, “I’m still learning a lot and I think I have a lot more to improve, but I’m very, very excited for our actual first show…so ayun po, Thank you po for noticing my singing abilities.”

Kasunod niya, nabanggit din ni Sue ang pagkakaiba ng teatro at telebisyon.

Wika niya, “It’s a totally different world out here. What I like about doing theater is they encourage you to make mistakes. Unlike TV it’s fast phased, so kailangan take one ka lang lagi. Doon mapo-prove na magaling kang artista kapag take one ka lang palagi.”

“Pero dito, pwede kang magkamali. Kapag nadapa ka, maraming tutulong sayong tumayo. Tapos magbibigay sila sayo ng kung ano ang pwede mong gawin para mas maayos mo pa, para mas maganda pa ‘yung performance mo,” patuloy niya.

Dagdag pa ng aktres, “These people really inspires me. They’ve been so helpful.”

Star-studded ang “Little Shop of Horrors” dahil bukod kay Sue, tampok din diyan sina Karylle, Nyoy Volante, Reb Atadero, Markki Stroem, David Ezra, Audie Gemora, OJ Mariano, Mikee Baskiñas, Abi Sulit, Paula Paguio, Julia Serad, at marami pang iba.

Ang show ay bilang parte ng selebrasyon para sa ika-10th anniversary ng The Sandbox Collective.

Mapapanood ito simula July 6 hanggang July 28 sa Globe Auditorium, Maybank Performing Arts Theater sa BGC.

Read more...