PINUSUAN ng mga netizens ang pagiging super supportive stepmom ng Kapuso star na si Heart Evangelista sa kanyang stepdaughter na si Chesi.
Talagang kinarir ng international fashion icon ang pag-aayos sa anak ni Sen. Chiz Escudero para sa pag-attend sa first-ever prom nito.
In fairness, noon pa naman sinasabi ng Kapuso actress at global fashion and style icon na napakaganda ng relationship niya sa mga anak ng asawang senador sa una nitong partner.
Proud na proud na ibinandera ni Heart ang ginawang paghahanda ni Chesi sa kauna-unahan nitong prom sa pamamagitan ng Instagram Reel.
Dito makikita ang buong preparation ni Chesi at ang pagiging hands-on stepmom ni Heart na siyang tumulong sa hair and makeup ng anak nila ni Chiz.
Baka Bet Mo: Heart nag-panic bilang lider ng Senate Spouses Foundation, Chiz may payo
“Our baby is now (a) lady!” ang caption ni Heart sa kanyang post.
Sey pa ng aktres, “Our darling @yooniverse_c7 Chesi surrounded by her friends and loved ones as she officially goes to her first prom.”
Bukod dito, makikita rin sa video ang date ni Chesi sa prom – yan ay walang iba kundi ang Sparkle actor na si Bryce Eusebio na nagbigay pa ng flowers sa kanya.
In fairness, ang sweet at ang cute ng anak ni Chiz habang tinutulungan nito su Bryce sa pagsusuot ng corsage.
Samantala, nagbahagi rin si Bryce sa Instagram ng ilang pictures nila ni Chesi na may caption na, “Unforgettable.” Sa isa naman niyang solo photo ay may nakasulat na, “[F]irst pic is me being nervous.”
Matatandaang last Mother’s Day, May 12, ibinalita ni Heart na nakunan siya sa dapat sana’y ikaapat na anak nila ni Chiz na isang baby boy at pinangalanan niyang Francisko.
“A few days ago our baby boy’s heart stopped beating. This will be our (fourth) angel,” ani Heart kasabay ng pagsasabing isa ito sa pinakamatinding “heartbreak” na naranasan niya.
Narito ang ilan sa mga nabasa naming reaksyon ng netizens sa post ni Heart.
“Awww! Heart swells with happiness watching Ms. Heart in her Mommy mode. Pretty young lady and choices of prom dress. Very beautiful, age appropriate. Handsome escort.”
“Napakaswerteng bata. Si Heart ang stylist.”
“Wonderful mom she even put her mil necklace to her daughter.”
“Seeing Heart in her mother mode makes my heart warm, I don’t even know why. Nakaka-happy lang panoorin.”
“Watch this more than 10 times. I swear. I just love it. Love the vibe. Love the authentic happiness and love. Super.”
“Wow pinahiram ni Heart ang P10M necklace niya?”
My gosh!! Ate!!! So pretty.”
“Oh wow Ate Chesi!!!! Super ganda naman!!! And the gown.”