MATINDING pamba-bash ang naranasan ng vlogger at negosyanteng si Rosmar Tan mula sa mga supporters ng Pares Diva na si Diwata.
Binato siya ng masasakit at maaanghang na salita ng mga bashers dahil ginaya at kinumpitensiya ra niya ang pares business ni Diwata.
Pero sabi ni Rosmar, walang katotohanan ang chika na nainggit siya kay Diwata kaya nagtayo rin siya ng paresan. Hindi rin totoo na kinumpitensiya niya ang negosyo ng content creator at social media star.
Baka Bet Mo: Diwata walang dyowa, tikim-tikim lang muna: Baka maubos ang puhunan!
In fact, nagsilbing inspirasyon daw niya si Diwata para ituloy na ang matagal na niyang planong magtayo ng pares business.
Paano nga ba nagsimula ang komunikasyon at pagkakaibigan nila ni Diwata?
“Naka-follow siya sa akin. Ngayon dahil nga nakikita ko ‘yung pares, natatakam ako. Nag-follow back ko siya tapos nag-comment ako sa kaniya.
“Kasi ang dami niyang bashers talaga na namba-bash sa kaniya na kesyo raw nasa bangketa lang daw, madumi raw,” kuwento ni Rosmar sa panayam ng “Unang Hirit”.
Patuloy ng content creator, “Pinagtatanggol ko talaga siya sa bashers, sinasabi ko na huwag nilang i-bash. Hindi naman porke’t nandoon eh, madumi na. Depende naman ‘yan sa food preparation.
Baka Bet Mo: Zeinab Harake, Rabiya Mateo ‘tinawanan’ si Rosmar Tan: ‘Tinatanggalan n’yo na ba talaga kami ng karapatan matawa?’
“Nag-comment ako sa kanya sa post niya na, ‘Magpakatatag ka, deadma lang sa bashers. Ipagpatuloy mo lang ‘yan,” dagdag pa ni Rosmar.
Kasunod nito, nagpasalamat si Diwata sa pamamagitan ng video at sinabing idol niya si Rosmar at welcome na welcome itong lumafang sa kanyang paresan. In feyr, mahigit isang milyon ang views nito.
“Doon ko naramdaman na totoong tao siya. Pinapakita pa niya sa staff niya, ‘Tingnan niyo nag-comment si Ma’am Rosmar.’ Natuwa ako, sobra,” pahayagni Rosmar.
Ipinagtanggol din niya ang sarili laban sa mga nagsabing ginaya lang niya ang paresan ni Diwata at nakiki-ride lang sa kasikatan nito.
“Before pa man, matagal na po ako sa food business, 2016 pa, meron na po akong complete set ng pagpapares, meron na akong stainless na lutuan.
“Kumpleto, may mga kaldero. Pero noong sabi ko kasi, ang hirap palang lutuin ng beef dahil ang tagal niyang lumambot.
“Kaya noong nakita ko talaga ‘yung video ni Diwata, ‘Ah, puwede palang karne tapos tsitsarong bulaklak,’” depensa ng negosyante.
“Nag-chat ako sa kaniya sabi ko, ‘Hindi ka ba roon lugi?’ Sabi niya sa akin ‘Maliit lang ‘yung kinikita pero ang importante maraming nabibigyan ng trabaho. Tapos kumikita naman kahit paano,’” ani Rosmar.
“Doon ako na-inspire, ‘Ay puwede pala ‘yun.’ Tapos tinanong ko pa siya ‘Momshie ano ‘yung karneng ginagamit mo? Pork talaga ‘yun?’
“‘Naiisip ko rin na mag-open din ako ng ganan.’ Sabi niya, ‘Sige ma’am, push.’ Gumano’n talaga siya sa akin. Kaya hindi ko maintindihan ‘yung bashers dahil sinasabi na ginaya ko raw,” dugtong ng vlogger.
Patuloy pa niya, “Sa totoo lang, ang daming nagko-comment, sinasabi nila na hindi naman si Diwata ang unang unang nagpares. Lahat naman daw ng tao ay may karapatang mag-business ng pares.
“Aminado talaga ako na ‘yung idea ng unli-rice na may softdrinks, ginagamit na karne, na-inspired talaga ako sa kaniya, pero hindi para kompitensyahin siya,” saad pa niya.