ANO ang mas bet niyo, maaksyon na may halong comedy o horror?
Dalawang pelikula kasi ang showing na ngayon sa mga lokal na sinehan – ‘yan ang “Bad Boys: Ride or Die” at “The Watchers.”
Intense action at punong-puno ng katatawanan ang latest installment ng iconic na “Bad Boys” movie.
Pagbibidahan ‘yan ulit ng Hollywood tandem na sina Will Smith at Martin Lawrence bilang iconic cop duo bilang sina “Mike” at “Marcus.”
Napanood na namin ang pelikula at trulalu nga na pinaghalo talaga ito ng aksyon at comedy.
Baka Bet Mo: Alex Diaz ibinandera ang Pinoy talent sa int’l movie na ‘Glitter & Doom’
Biruin mo, nasa gitna ka na ng nakakakaba at seryosong bakbakan, pero nakukuha pa rin nilang magpatawa!
Kahit nga mismo ang mag-partner na direktor ng pelikula na sina Bilall Fallah at Adil El Arbi, bilib sa kakaibang chemistry ng dalawang bida.
“It’s magical to see them both together,” sey nina Adil & Bilall.
“It’s unbelievable, the chemistry they have. It’s always surprising when you’re behind the monitors directing the scene and they come up with this genius golden humor – you sit back, relax, and see them perform.” patuloy nila.
Anila, “They’re the best duo on the big screen, and very unique.”
Kung “The Watchers” naman, ihanda niyo na ang inyong sarili sa mga nakakakilabot at nakakatakot na mga eksena!
Ang kwento ng pelikula ay base sa nobela na may kaparehong titulo na isinulat ni A.M. Shine.
Heto ang synopsis ng palabas mula sa Warner Bros. Pictures:
“The film follows Mina, a 28-year-old artist, who gets stranded in an expansive, untouched forest in western Ireland. When Mina finds shelter, she unknowingly becomes trapped alongside three strangers who are watched and stalked by mysterious creatures each night.”
Ang main character ay si Mina na gagampanan ng American actress na si Dakota Fanning.
Kwento niya sa inilabas na press release ng Warner Bros., “The coop’s purpose is to keep these four characters safe from the Watchers, and to also provide a way for the Watchers to watch them. There’s a big window that turns into a mirror at night.”
“At first, we filmed mostly with the mirror in, so you were kind of forced to look at yourself, which was a little bit strange at first, but it was also helpful, because it added to the uneasiness that the characters might also feel,” saad pa niya.
Tampok din sa pelikula ang Hollywood stars na sina Georgina Campbell, Oliver Finnegan at Olwen Fouere.