Alex Diaz ibinandera ang Pinoy talent sa int’l movie na ‘Glitter & Doom’

Alex Diaz ibinandera ang Pinoy talent sa int’l movie na 'Glitter & Doom'

PHOTOS: Courtesy of Sean Jimenez, Ayala Malls Cinemas

KABOG at bonggang talento!

‘Yan ang reaksyon namin sa ibinandera ng Pinoy singer-actor na si Alex Diaz sa kauna-unahan niyang international movie na “Glitter & Doom.” 

Ang katambal diyan ni Alex ay ang British actor na si Alan Cammish, kasama sina Ming-Na Wen, Tig Notaro, at Missi Pyle.

At just in time ngayong Pride Month, exclusively showing na sa Ayala Malls Cinemas ang queer romantic musical film!

Tiyak na marami ang kikiligin at mabubuhayan sa istorya ng pelikula, lalo na ang mga kapatid nating miyembro ng LGBTQIA+ community.

Baka Bet Mo: LIST: Mga pelikula na magbibigay-kulay ngayong Hunyo

Bukod kasi sa makulay na kwento, ibang level ang performances nila when it comes to singing, choreography at iba pang klase ng entertainment.

Tungkol ito sa love story nina “Glitter” (Alex) na nais matupad ang pangarap na maging isang clown at ni “Doom” (Alan) na nais namang maging professional singer.

Pero magiging hadlang nga ba ang kanilang mga pangarap para sa kanilang pag-iibigan?

Nako, ‘yan ang dapat abangan ninyo kaya panoorin niyo na ang “Glitter & Doom.”

“Their relationship is put to the test as they deal with trying to make it in the music biz, their mothers (Ming-Na Wen and Missi Pyle), and finding what feeds each of their souls and dreams,” saad sa synopsis ng pelikula.

Noong May 30 nang maganap ang movie premiere ng musical film at present diyan mismo si Alex.

Nakachikahan ng BANDERA ang aktor at inamin niya na super proud siya sa pinagbibidahang international project, lalo na’t naitaas niya ang bandera ng mga Pilipino, pati na rin ng Pinoy LGBTQIA+ community.

“Excited ako na finally mapapanood siya and maireregalo ko siya sa LGBTQIA+ community at sa mga Filipino na nangangarap,” sey niya sa amin.

Naitanong din namin sa kanya kung kamusta ang karanasan niyang makatrabaho ang international cast and crew.

Sagot niya, “Grabe! Sobrang fulfilling and so humbling.”

“Grabe din ‘yung pride ko and I made sure I bring my values as a Filipino, of being hardworking, of being masipag, matatag and you know –I know that it sounds negative sometimes, but ‘yung pagiging resilient talaga. Dala-dala ko siya sa environment namin kasi it was a very difficult filming process,” chika pa niya.

Kwento pa niya, taong 2019 pa sinimulang gawin ang nasabing pelikula matapos siyang mag-come out sa social media kaugnay sa kanyang pagiging bisexual.

“And then from there, my now manager sa LA, na-discover niya ako sa YouTube and he signed and started doing auditions via video dahil pandemic and from there, wala silang mahanap sa US, sa Canada, so they went to Asia and they found me,” dagdag ni Alex.

Patuloy niya, “So nag-send ako ng vocal audition, nagustuhan nila tapos gumawa sila ng range check para ma-check ‘yung range ko and then after that inayos ko ‘yung papeles ko, ‘yung vaccinations ko and pumunta ako sa LA and from there it’s history.”

Si Alex ay isang Scottish-Filipino, multi-talented online and TV personality.

Nag-uumapaw rin talaga ang kanyang talento gaya ng masasaksihan niyo sa pelikula dahil isa rin siyang singer, host, actor, dancer, model, indoor cycling instructor, in-demand endorser at online influencer.

Nagsimula ang kaniyang acting career noong 2013 sa mga teleseryeng “Got 2 Believe,” “Pangako Sa’ Yo” at Wattpad-derived movie na “Just the Way You Are.”

Bukod sa mga television and movie projects, naging video jock din siya ng MYX Philippines.

Read more...