#WalangPasok: June 17 ‘regular holiday’ bilang pagdiriwang ng Eid’l Adha
REGULAR holiday o walang pasok sa June 17!
‘Yan ang idineklara ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang mandato sa ilalim ng Republic Act No. 9849 upang bigyang-daan ang pagdiriwang ng Eid al-Adha o Feast of Sacrifice ng mga kaibigan nating Muslim.
Base sa proklamasyon, binanggit ng presidente ang rekomendasyon ng National Commission on Muslim Filipinos na ipagdiwang ang nasabing petsa bilang isang national holiday.
“Now, therefore I, Ferdinand Marcos Jr.. President of the Philippines, by virtue of the powers vested in me by law, do hereby declare Monday, 17 June 2024, a regular holiday throughout the country, in observance of Eid’l Adha,” saad sa Proclamation No. 579.
Baka Bet Mo: Yassi umamin: Marami na rin akong sacrifices na nagawa for love, sobra-sobra pa nga po!
Para sa mga hindi aware, ang Eid al-Adha ay isa sa dalawang pangunahing pista ng Islam at pumapatak sa ika-10th date ng Zhul Hiija o ika-12th month ng Islamic calendar.
Ang Feast of Sacrifice ay pagpupugay sa pagpayag ni Abraham na isakripisyo ang kanyang anak bilang isang pagkilos ng pagsunod sa utos ng Diyos.
Ang isa pang main holiday sa nasabing relihiyon ay ang Eid al-Fitr o Feast of Ramadhan na minamarkahan ang pagtatapos ng isang buwang fasting ng mga Muslim.
Ang Eid al-Fitr ngayong taon ay pumatak noong April 10 na naunang idineklara ng pangulo bilang isang national holiday.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.