Ice nabingi sa matinding sipon; sasabak sa LGBTQ play kasama si Liza
NAHIHIRAPANG kumanta ngayon ang OPM icon na si Ice Seguerra dahil nabingi raw ang isa niyang tenga.
Kuwento ng award-winning singer-songwriter, nagsimula raw sa sipon ang kanyang pagkabingi kaya naman agad siyang nagpakonsulta sa espesyalista sa tenga.
“Ang hirap na ngayon pa mawawala (pandinig), eh, may mga singing engagement ako.
Baka Bet Mo: Ice Seguerra umaming tsine-check pa rin ang mga ex-dyowa, OK lang kaya kay Liza Diño?
“So, kahit may microphone ka, iba, eh. Hindi ko gaanong naririnig ang notes ko,” pahayag ni Ice nang makachikahan namin sa presscon para sa repeat ng “Videoke Hits” concert at sa kauna-unahang stage play nila ng asawang si Liza Diño.
Patuloy ni Ice, “Kanina kumakanta ako, sabi ko, ‘Ha, ito ba `yon, tinatamaan ko ba ang tamang notes?’
View this post on Instagram
“Medyo mahina rin kasi ang audio, at siguro wala rin kasing monitor, kaya hindi ko rin masyadong…pati guitar ko, hindi ko rin naririnig.
“So, hindi ko talaga alam kung tama ba ang pagkanta ko, tinatamaan ko ang mga nota. Nakaka-praning!” pagbabahagi pa ni Ice.
Dagdag pa niya, “’Yung right ear ko, maayos. Pero kapag tinakpan ko, wala na talaga akong maririnig. Kung may marinig man ako, mga 10 percent lang. masyadong mahina. Sobrang muted siya!”
Umaasa si Ice na makakarinig uli siya bago ang repeat ng “Videoke Hits” sa June 28 sa Music Musem mula pa rin sa Fire & Ice Productions na pag-aari nila ni Liza.
Sabi pa ng aktor at singer, “May mga iniinom naman akong meds, pero hindi ko alam kung kailan maayos. Sana soon.”
Chika pa niya, sa matinding sipon nagsimula ang pagkabingi ng isa niyang tenga, “Sobrang sipon. Siguro bumagsak din talaga ang immune system ko, kasi when I got back from Cannes, hindi talaga ako nakatulog ng maayos. Dire-diretso yun, ilang gabi.
Baka Bet Mo: Mommy Caring todo-iyak nang malaman ang pinagdaanang depresyon at anxiety ni Ice Seguerra
“Kaya siguro `yon ang nangyari, na noong tinamaan ako ng sipon, hindi ko alam ang tawag, pero nagbara siya. Tapos hindi nakakalabas. Parang na-stay lang siya.
“Tapos may hika pa ako, kaya double whammy! Kaya we decided na i-postpone rin talaga ang repeat ng ‘Videoke Hits’ kasi ang quality ng performance ang maaapektuhan, kumbaga, half lang ang maibibigay ko,” pagbabahagi pa ni Ice.
Bukod nga sa pinakaaabangang repeat ng “Videoke Hits” sa June 28 (mabibili ang ticket sa Ticketworld at Fire & Ice office), pinaghahandaan na rin ngayon nina Ice at Liza ang kanilang stage play na “Choosing (Not A Straight Play)”.
View this post on Instagram
Ito’y mula sa direksyon ni Anton Juan at mapapanood simula sa June 29 hanggang July 7, sa Power Mac Spotlight Blackbox Theater, Circuit, Makati.
Ang “Choosing (Not A Straight Play)” ay isang taos-pusong pagsisiyasat ng pagkakakilanlan, pag-ibig, at tapang na maging tapat sa sarili.
Isinulat ni Liza, na may karagdagang monologues mula kay Ice, ang play ay hinango mula sa kanilang mga personal na karanasan at koleksyon ng mga kuwento ng LGBTQIA+ sa loob ng maraming taon.
Nag-aalok ito ng kapana-panabik na kuwento na nagbubura ng linya sa pagitan ng katotohanan at kathang-isip.
Ito’y bilang bahagi na rin ng celebration ng LGBT Pride Month. Para sa karagdagang impormasyon at upang bumili ng mga tiket, mangyaring bisitahin ang Ticket2Me.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.