“NADISKARIL nu’ng naging loveteam kami ni Maricel (Soriano) kasi ang habol ko dramatic actor,” ang pagtatapat ni William Martinez kay Snooky Serna na mapapanood sa YouTube channel nito.
Tinanong ni Snooky kung nagbago ba ang takbo ng karera ni William nang magkaroon siya ng ka-loveteam.
Nagsimula kasi si William sa showbiz bilang dramatic actor at hindi naman siya nagsimula bilang comedian.
Baka Bet Mo: Yayo dedma na kay William: ‘Buhay niya, buhay ko, walang pakialamanan’
Bilang baguhan ay malalaking artista ang nakatrabaho niya at ang unang pelikula niya ay aksyon na ang titulo ay “Ang Leon, Ang Tigre at Ang Alamid” noong 1979.
Pinagbidahan ito ni Sen. Lito Lapid (hindi pa senador noon), Rudy Fernandez at Bembol Roco. Extra pa lamang siya noon dahil dinaanan lang ng kamera bilang magtataho at kapatid ng karakter ni Gina Alajar
Sumunod ang “Beach House” noong 1980 kasama sina Alma Moreno, Rio Locsin at Amy Austria at ang pelikulang kasama sina Gina Alajar at Ronnie Lazaro na idinirek nina Peque Gallaga, Ronnie Lazaro at Ishmaeil Bernal.
Kasama rin siya sa “Bilibid Boys” taong 1981 kasama sina Al Tantay, Gabby Concepcion, Alfie Anido, Mark Gil at Jimi Melendez.
Hirit ni Snooky, “Parang nandoon ako?”
“Kasama ka, guest ka kayo ni Maricel ang ka-team ko si Cherie (Gil),” sagot ni William.
Sinundan ito ng “Carnival Queen” noong 1981 kasama si Alma Moreno na kinunan sa Brazil mula sa direksyon ni Gil Portes.
Baka Bet Mo: Maricel nanapak ng lalaki matapos bastusin si Snooky sa shooting: In-uppercut ko talaga, e, di nakatikim siya!
At nabanggit ni Kookie na sa “Bilibid Boys” nabuo ang Kulit at Taray loveteam na sabi naman ni William ay aksidente lamang.
“Accident ‘yun kasi kailangang gumawa ako ng pelikula na solo nan ahi-hit na hindi ko alam, eh kasi sa Bilibid Boys pagbaba ko ng van sa Alimall (may promo) lahat ng tao ang tawag sa akin Luga kasi pangalan ko (sa movie) Luga. Tapos sabi sa akin, ‘pare sikat ka na.’
“Then nag-usap sina Douglas (Quijano) at Mother Lily (Monteverde) na bigyan ako ng solo movie, ‘yung Oh My Mama (1981, kasama si Maricel) at nag-hit ‘yun sobra kaya nagkaroon ng loveteam na William-Maricel,” kuwento ni William.
Simula raw kasi nang magtambal sila ni Marya (tawag kay Maricel) ay naging comedy na halos lahat ng pelikula nila.
Dagdag pa, “Ang ending naging comedian ako, comedy actor. second movie naming Pabling na hit then Galawgaw hit pa rin, pati Hindi kita Malimot hit, Summer Holiday, Summer Love lahat hit.”
At dahil maganda ang tambalan nina Marya at William na halos laging magkasama kaya natanong ni Snooky kung naging sila.
“Almost!” mabilis na sagot ng aktor.
“Hindi talaga kayo umamin, actually,” natawang sabi ng host sabay siko kay William.
Hirit pa ni Kookie, “Wag ka mag-deny alam n’yo po may singsing kami ni Maricel Soriano parehong-pareho (boyfriend naman ni Snooky noon si Albert Martinez).
Ang paliwanag ng ex-loveteam ni Marya na hindi sila naging magkarelasyon tulad ng inisip ng lahat.
“Hindi po, ito po ang point diyan kasi hindi ko nahalikan si Maricel, kundi hug lang sa movie. Ang relasyon may halikan pero wala (sinang-ayunan naman ni Kookie). E, wala kaming kissing, so wala (relasyon). I gave her a ring nawala! Pati pendant nawala, so wala talagang relasyon,” diin ni William.
Inamin naman ng aktor na na-develop siya kay Maricel, “Almost.”
Tanong tuloy ni Snooky, “E, anong dahilan bakit hindi kayo nagkatuluyan para magka-closure kami (mga naniwalang may relasyon).”
“(Dahil sa) tsismis lang. Kaming dalawa close na, biglang may tsismis na may close si William, dumating si Lampel Luis (1971 Miss Young Philippines) naging close kami, nagselos siya (Maricel) biglang hiniwalayan ako (nilayuan), dapat kami na, so wala na.
“Pagkatapos umalis ako, pagkaalis ko hilig ko karera ng kotse (nagpalipas ng sama ng loob), pagbalik ko, may kotse (nakaparada) sa bahay niya may ibang tao, ‘yun pala ‘yung Michael Rodriguez na may-ari ng Shakeys, so naging sila.
“Hindi (kami) matuloy-tuloy, so, nu’ng nalaman niya (umalis ako), bumalik ka, William. So, bumalik naman ako close na naman kami, tapos alis na naman ako, pagbalik ko may kotseng Lancer, si Ronnie Ricketts naman, so alis na naman ako.
“Nu’ng malaman niya, nag-Jackie Lou Blanco ako (kagagawan daw ng namayapang si German Moreno). Sabi kasi ni German, Jackie gusto mo ba si William? William gusto mo si Jackie? O hayan mag-on na kayo! Sabi ko, ‘ha?’
“Kaya kami ni Maricel hindi nagkatuluyan kasi kapag mayroon siya (dyowa) lalayo ako, pag meron ako, lalayo siya, so, love-hate relationship, bitin,” paliwanag ng aktor.
Kaya ang ending hanggang loveteam lang sina William at Maricel.