Ex-fiancée ng yumaong American singer na si Keith Martin lumantad

Ex-fiancée ng yumaong American singer na si Keith Martin lumantad

Diana Dayao at Keith Martin

TATLONG beses na-engage ang dating  fiancée ng yumaong American singer-songwriter na si Keith Martin, na nagpasikat sa kantang “Because of You.”

Ikinuwento ng searcher na si Diana Soto Dayao sa “EXpecially For You” segment ng “It’s Showtime” last Saturday ang tungkol sa naging relasyon nila ni Keith Martin ilang taon na ngayon ang nakararaan.

Nakasama ni Diana sa pagbisita sa “It’s Showtime” ang kanyang nanay na si Marilyn at ang 16-years old na anak na si Dion — ang naging bunga ng pagmamahalan nila ng yumaong singer.

Baka Bet Mo: ‘Because of You’ singer Keith Martin natagpuang patay sa tinitirhang condo

Ayon kay Diana, three times siyang na-engage, at isa nga sa nag-propose sa kanya ay si Keith Martin.


“Yung una, magugulat kayo, sino ‘yung unang nag-propose sa ‘yo at kanino ka unang na engaged?” ang tanong ng “It’s Showtime” host na si Vice Ganda kay Diana.

“The first man in my life was the late Keith Martin the singer,” ang sagot ni Diana.

Sundot na tanong ni Vice, “Kapag naririnig mo yan, anong nararamdaman mo?” Mabilis na sagot ni Diana, “Naiiyak ako.”

“Naka eight years (kami) it was a long relationship. Nag-break kami actually muna siguro couple of years tapos nagbalikan kami,” pagbabahagi pa ni Diana about Keith.

Baka Bet Mo: Kit Thompson pansamantalang nakakulong dahil sa diumano’y pananakit kay Ana Jalandoni, Gabriela nagbigay suporta sa aktres

Nang matanong kung ano ang pinakabonggang regalo na naiwan ng pumanaw na American artist sa kaniya “Greatest gift ni Keith? I would say, that boy over there. Our son.”

“Yes greatest gift kasi, he’s a product of love and kahit na nagkahiwalay kami, we really did our best to raise him together kahit malayo siya, siyempre mayroon rin pagkukulang pero lumaki siya na both my mom and dad are there and they loved me,” pagmamalaki ni Diana.

Naikuwento rin niya ang nangyari noong mag-propose sa kanya si Keith, “Parang sandali nga lang eh, kasi nakakatawa ‘yung istorya niya kasi when he proposed, hindi kasya ‘yung singsing.

“Hindi ko naisuot. Sabi niya, he will have it resize tapos hindi na niya naibalik hanggang sa nagkalimutan na parang ganun.

“I was very young non, I just graduated from college e, so siyempre may certain expectations ka sa buhay tapos nagkaanak na kayo, mas naging focus na ‘yung kung paano niyo bubuhayin, papalakihin ‘yung anak niyo.

“And then si Keith, ano rin parang naging busy kasi he’s an artist, so kung kung saan may opportunity mag-work, so kung abroad, abroad.

“So isa ako doon sa nag-encourage sa kaniya na hanggang sa unti-unti na alam niyo ‘yun nalipasan na ‘yung plans ng marriage nagkaroon na rin ng konting conflict hanggang sa hindi na natuloy,” tuluy-tuloy na pagbabalik-tanaw ni Diana.

Nagpasalamat din siya sa kanyang mga magulang at buong pamilya dahil sa pagmamahal at pagsuporta sa kanya at sa anak nila ni Keith.


“And I think, ‘yung ganu’ng mga kaso ‘di ba, halimbawa may baby na kayo or you got pregnant, you’re parents would normally pressure you na dapat magpakasal kayo, hindi naman nila ako na-pressure.

“And I think ang priority rin nila that time was ako, na dapat ayusin mo muna ang career mo bata ka pa e, kaka graduate mo lang you’re still building your life, so hindi kailangan, that’s not the priority so hindi rin siya,” aniya pa.

Bago pa man pumanaw si Keith noong 2022 ay naging okay na sila, “Matagal na kaming hiwalay and yeah I was there, in fact his remains are with us sa bahay kasi wala naman talagang family si Keith, kami lang ‘yung family niya dito.”

Matatandaang noong November, 2022 nang matagpuang wala ng buhay ang American singer-songwriter na si Keith Martin sa loob ng kanyang bahay dito sa Pilipinas.

Read more...