Janine Tugonon ibinandera ang pagbubuntis: ‘Baby girl en route!’

Janine Tugonon ibinandera ang pagbubuntis: 'Baby girl en route!'

Janine Tugonon

BUNTIS na ang Miss Universe Philippines 2012 1st runner-up na si Janine Tugonon sa kanyang first baby.

Ibinandera ng beauty queen sa kanyang mga friends and supporters  pamamagitan ng kanyang Instagram account ang good news kahapon, June 2.

Nagbahagi ng ilang pictures si Janine sa IG kung saan makikita ang lumolobo niyang tummy kasabay ng announcement na she’s expecting a baby girl.

Baka Bet Mo: Michelle Dee binigyan ng ‘replica’ ng Miss Universe Philippines crown: ‘What a dream! This means so much to me!’

“Exciting times, new goals set and new season in life ahead. Baby girl en route,” ang caption ng beauty queen at future mommy sa kanyang post.

Ginamit din niya ang mga hashtag na “First time mom,” “Let’s do this,” at “This is gonna be fun.”

Binati naman siya ng mga kapwa beauty queen tulad nina Pia Wurtzbach, Ariella Arida at Gazini Ganados.


“Yayyy congratulations momma,” mensahe ni Ariella.

Sey naman ni Gazini, “Amazing!!! Excited for this new chapter of yours!! Congratulations Janine!”

Wala namang binanggit ang beauty queen mom kung sino ang tatay ng kanyang ipinagbubuntis.

Baka Bet Mo: Bagong Miss Universe PH crown tinawag na La Mer en Majesté; 32 kandidata ‘nagpainit’ sa Bora

Matatandaang lumaban si Janine sa Miss Universe 2012 pageant at nakuha ang 1st runner-up crown. Nanalo rito si Olivia Culpo ng Amerika.

Kasunod nito, sumabak si Janine sa modelling sa US at umapir pa sa isang Victoria’s Secret ad, naging NU muse at rumampa rin sa New York Fashion Week noong 2017.

Read more...