Vice magso-sorry sa searchee na na-bash dahil sa ‘nakaw na halik’

Vice magso-sorry sa searchee na na-bash dahil sa 'nakaw na halik'

Vice Ganda, Axel Cruz at Maria Christine

HANDANG mag-sorry ang TV host-comedian na si Vice Ganda sa male searchee na sumali sa “EXpecially For You” segment ng “It’s Showtime”.

Na-bash nang bonggang-bongga ang searchee na si Axel Cruz dahil sa umano’y pagtatangka niyang halikan ang female searcher na si Maria Christine nang matanggal siya sa pagpipiliang contestants.

Binigyan ng chance si Axel na magbigay ng message kay Maria Christine pero bago nga siya magsalita ay nilapitan muna niya ang searcher para makipag- high-five.

Baka Bet Mo: Vice: Ang lipunan ay napakalupit sa mahihirap at hindi nakapag-aral

Pero nang bigla niyang ilapit ang mukha niya sa face ni Christine at akmang hahalik, biglang nagsalita si Vice Ganda, “Oy, hindi pwede yun, that’s bad!

“Don’t do that, you ask for permission. Alam mo bang pwede kang mademanda sa ginagawa mo? Don’t do that, hindi ka pwedeng biglang nagnanakaw ng halik,” ang warning ni Vice.


Kasunod nito, naging usap-usapan nga sa social media ang ginawang paninita ni Vice sa “nakaw na halik” na eksena sa kanilang programa.

Agad namang nagpaliwanag si Axel last Saturday, June 1, sa pamamagitan ng Facebook, at nilinaw na hindi niya ninakawan ng halik si Christine.

Kalakip ang screenshots ng mga mean comments against him, ang kanyang mensahe para sa lahat ng bashers at haters, “Hello everyone, Gusto ko lang i-clear at clarify about sa segment ng its showtime ng expecially for you.

“Una sumali ako for fun lang then go with the flow sa mga kulitan at asaran tapos nung time na mag mememeet na kami nung girl yung mga hindi nya pinili ay papalapit palang ako ay naka handa na umapir ang kamay ng girl sakin.

Baka Bet Mo: Herlene kinampihan ng ilang netizens: Hindi naman niya nilapa ang nguso ni Alden!

“Then nag apir kame after ng apir is shake hands ko sya, ang gagawin ko dapat ay yung ginagawa ng karaniwan its a ‘BroCode’ after shake hands dikit balikat eh umiwas si girl.

“Akala nya kikiss ko sya or beso again im not intended to kiss her, and yung angle ng cam akala hinatak or pinilit ko, nakaupo po sya nun hindi maabot kaya ganun ang nangyare.

@nickmyap #CapCut #AxelCruz #Axel #Christin #especiallyforyou #viceganda #annecurtis #vhong #jhong #Ryan #trendingnow #viralnow #millionviews Tunay na nangyari kina axel at Christin #safotniAxel #ViceGanda #GandangGabiVice #especiallyforyou #abscbn #kapamilya ♬ original sound – Nick M. Yap

Patuloy pa niya, “Gusto ko lang malaman nyo side ko hindi yung kung ano yung nakita at napanood nyo ang pinaniniwalaan nyo and please stop sending me and posting threat and badwords, stop posting uncut version of video para lang mag viral, thankyou sa mga nag susupport saakin at pinaniniwalaan ako.

“Im sorry if may mali man ako nagawa or mali sa paningin nyo pero para saakin its just like a brocode, and kay ate girl sorry kung nagulat ka or na feel mo na kikiss kita hindi ko intensyon yun.

“And to the whole cast of showtime super grateful to be part of this segment thankful padin ako lalo na kay meme vice please stop bashing her nagulat lang din siguro sya,” sabi pa ni Axel.

Ni-repost naman ni Christine last Saturday ang kontrobersyal na segment sa TikTok kalakip ang edited video.

“Hi guys! Ako nga pala si Christine. So, kanina paggising ko eh nakita ko itong video na to.

“Tapos, nabasa ko sa comments na yung iba galit, tapos yung iba naman naiintindihan talaga at nakikita nila na wala naman talagang ginawang mali si Axel.

“Ang totoo ako po kasi niyan, wala naman po talagang balak si Axel na ibeso ako. Tsaka hindi ko talaga naramdaman na gusto niya akong ibeso,” aniya pa.

Patuloy pa niya, “Kasi po ang nangyari di ba, inapiran ko siya. Tapos, parang gusto niya akong i-hug. Tapos, since naka-upo ako, ang awkward ng position.

“Ang feeling ko kasi na gusto niya gawin, iha-hug niya ako, tapos ita-tap niya yung likod ko. Para yung comfort, ganun, parang tropa.

“Iga-ganyan niya. Kaya yun, yumuko siya na banda dito [sa shoulder], kasi itatap niya nga siguro ako e. Parang mag-tropa.

“Pag-tropa di ba, pag halimbawa yung tropa mo, malungkot. Ganun ka mag-ano di ba? ‘Okay lang yan beh,’ ganyan. Tapos, di ba, yung position na yun, parang na-misinterpret ng mga host yun.”

“To clarify lang po, wala po talagang nangyaring halik. Wala pong nakaw na halik na nangyari. Parang comforting lang po talaga, since emotional ako nung segment.”

Towards the end of the video, Christine expressed her appreciation for Vice Ganda and her co-hosts’ concern, but said again that Axel did not intend to kiss her.

“Pero, in fairness po kay Meme Vice, ramdam mo talaga yung concern niya sa mga ganong bagay. Pero gusto ko lang po talagang linawin na wala pong nakaw na halik na nangyari.

“Concern, parang ano lang talaga, gusto nila talaga ako i-comfort. Dahil lang sa position na nakatayo siya at nakaupo ako, na-misinterpret lang po talaga siguro ng mga host yun,” pagbabahagi ni Christine.

Dagdag pa niya, “Ngayon, pasensya na din po. Lalo na kay Axel, sorry. Sana, ano, maging okay ka. Pasensya ka na kung mangyari yung ganito.”

Samantala, sa kanyang X account, nag-issue ng maikling statement si Vice about the issue, “Sorry na mali ang reaction ko. Ang dating kasi sakin at sa ibang andun eh na-off si girl na sinunggaban sya ng halik and i thought na she felt violated.

“Since hindi naman pala I will apologize to the guy,” aniya pa.

Read more...