Cast ng ‘Home Along Da Riles’ may proyekto kayang binubuo kaya nag-reunion?

Cast ng 'Home Along Da Riles' may proyekto kayang binubuo kaya nag-reunion?

PHOTO: Instagram/@claubarretto

MARAMI kaming nakitang video posts sa social media na nagkita-kita ang cast ng dating sitcom na “Home Along Da Riles.”

Ito’y sa pangunguna nina Claudine Barretto, Nova Villa, Smokey Manaloto, Vandolph Quizon, Boy 2 Quizon, Maybelyn de la Cruz, Dang Cruz at Cita Astals.

Ang nasabing sitcom ay umere sa ABS-CBN noong 1992 hanggang 2003 na pinagbibidahan nina Mang Dolphy at Babalu kasama rin si Carding Castro, Bernardo Bernardo, at marami pang iba.

Anyway, base sa video ay ang saya ng naging reunion ng nasabing cast at nagkaiyakan pa dahil nga finally nakita na nila si Cita Astals na balitang nagkaroon ng problema dahil ilang taong hindi nagparamdam.

Baka Bet Mo: 11th death anniversary ni Dolphy inalala ni Zsa Zsa, ng mga anak at cast ng ‘Home Along Da Riles: ‘You are remembered everyday’

Pero okay naman siya base sa napanood naming panayam ni Julius Babao sa kanyang YouTube channel.

Hmm, curious kami kung bakit naisipan ng grupo na magkaroon ng reunion? Biglaan ba o matagal nang nakaplano pagkalipas ng 30 years.

Posible kayang may binubuong project ang cast kaya sila nag-reunion? Nagpaparamdam na sila sa publiko para alamin kung ano ang reaksyon at kung nasabik ba sa kanila.

Base sa mga nabasa naming reaksyon ng mga nakapanood ng video ay natuwa sa pagkikita-kita ng lahat at sana raw ay buhayin ang “Home Along Da Riles” dahil tiyak na maraming fans pa ang sabik sa kanila.

Anyway, aabangan na lang naming kung ano ang rason sa likod ng pagkikita-kita ng cast ng nasabing sikat na sitcom na tumagal ng 11 years.

Read more...