Aktor sobrang kinabibiliban sa pag-arte, pinayuhan na huwag pakampante

https://bandera.inquirer.net/313695/hashtag-wilbert-ross-wala-nang-hiya-hiya-sa-paghuhubad-yung-stretch-marks-sa-puwet-ko-wala-na-akong-magagawa-dun

HUWAG sanang pakampante ang guwapong aktor bilang isa sa hinahangaan ngayon ng management ng network dahil may nakaabang sa puwestong hawak niya ngayon.

Ang guwapong aktor ay matatawag na multi-talented dahil bukod sa magaling umarte ay magaling din siyang performer at sa katunayan ay mabenta siya sa mga shows sa loob at labas ng bansa.

Kaya namin ito nabanggit ay sa dahilang tila naungusan na siya ng kaedaran niyang aktor na kasama niya sa isang pelikula na sinu-shoot palang at planong isali sa isang film festival na hindi pa alam kung local o international.

Maganda ang role ng guwapong aktor sa pelikula at sa katunayan ay bilib sa kanya ang management ng network na ang bilin sa direktor ng pelikula ay gawin siyang bida at kontrabida ang kaedaran niyang aktor.

Baka Bet Mo: Hashtag Wilbert Ross wala nang hiya-hiya sa paghuhubad: Yung stretch marks sa puwet ko, wala na akong magagawa du’n

Co-producer kasi ang network kaya may say na magsabi kung ano ang role ng guwapong aktor na bet nilang magiging super sikat ito pagdating ng araw at susunod sa yapak ng premyadong aktor na nagsimula sa kanila.

Anyway, sa tuwing may matatapos na eksena ang guwapong aktor ay talagang bilib ang direktor at maging ang ilang co-stars nito at sinabing pinadadali nito ang shoot dahil laging take one.

Pero tila biglang nabago ang pagtingin ng lahat kay guwapong aktor nang sumalang na ang kaedaran niyang aktor na kontrabida ang role sa napakasimpleng eksena pero nagulat ang lahat dahil effortless na pati nuisance nito ay kinabiliban.

May isa pang eksenang pinagawa sa aktor at muli niyang napabilib ang ibang kasama sa pelikula kaya ang direktor ay napapalatak din sa husay ng artista niya.

Kaya naman naringgan tuloy ang direktor at supervising producer ng pelikula ng, “Huwag pakampante si (guwapong aktor) lalamunin siya ng buo ni (kaedarang aktor) pag sila na ang magka-eksena.”

At dahil din sa ipinakita ng kaedarang aktor ng guwapong aktor ay nadagdagan ang exposure ng una sa pelikula na dapat sana ay 5 shooting days lang ay naging 22 araw na.

Hindi palang nabanggit ng nagkuwento sa amin kung buhay sa ending ang kaedarang aktor ng guwapong aktor pero since kontrabida naman ang una, e, malamang tsugi siya sa ending?

“Huwag pakampante!”nakangiting sabi ng aming kausap.

Ay oo ng apala posibleng mabago ang script at lagyan ng twist sa ending.

Read more...