Cristine Reyes, Ali Khatibi present sa moving up ceremony ni Amarah

Cristine Reyes, Ali Khatibi present sa moving up ceremony ni Amarah

SPOTTED na magkasama ang dating mag-asawang sina Cristine Reyes at Ali Khatibi para sa kanilang anak na si Amarah.

Ngayong araw, ibinahagi ng aktres ang mga larawan na kuha mula sa naganap na moving up ceremony ni Amarah sa kanyang Instagram account.

Makikita sa mga larawan na may mga hawak na certificates ang anak ni Cristine ng kanyang awards na natanggap.

Bukod pa rito ay may video rin na nasa stage ang dalaga sa super happy kasama ang kanyang mga kaklase.

Baka Bet Mo: Cristine Reyes kinumpirmang annulled na kay Ali Khatibi

“Moving up,” maiksing caption ni Cristine.

Makikita rin sa post na kasama nila si Ali na kumain matapos ang moving up ceremony.

Marami naman ang nag-comment at nagpadala ng kanilang congratulatory messages kay Amarah.

Matatandang 2015 nang ipanganak ni Cristine si Amarah.

Matapos ang isang taon ay ikinasal na dila ni Ali.

Makalipas ang ilang taon ay naghiwalay na sila Cristine at Ali.

Sa naging guesting ng aktres sa “Fast Talk With Boy Abunda” ay inamin niyang isang taon na silang annulled ni Ali.

Kwento ni Cristine, hindi nag-work out ang kanilang marriage dahil hindi pa sila matured ni Ali sa pag-handle sa kanilang responsibilidad bilang mga magulang.

Sa ngayon ay in a relationship ang aktres sa kapwa aktor na si Marco Gumabao habang si Ali ay may non-showbiz dyowa.

Read more...