Seth naka-graduate na ng high school, kinilig sa sorpresa ni Francine

Seth naka-graduate na ng high school, kinilig sa sorpresa ni Francine

PHOTO: Instagram/@imsethfedelin

PROUD na ibinandera ng Kapamilya young actor na si Seth Fedelin ang latest milestone sa kanyang buhay.

Nakapagtapos na kasi siya ng high school recently!

Sa Instagram, pinasilip ni Seth ang ilang mga kaganapan sa graduation ceremony sa Jesus Son of Mary Academy.

Kabilang na riyan ang mga litrato kasama ang kanyang classmates at teachers, pati na rin ang kanyang ina na present sa kanyang special day.

Masaya ring ibinida ng aktor ang hawak-hawak niyang diploma.

“Hindi ko nakalimutan ang una kong pangarap,” caption niya sa post.

Baka Bet Mo: Seth Fedelin inamin kung bakit wala pang girlfriend, inaantay nga ba si Francine?

Bukod diyan, tila inihayag din ng young actor ang kanyang pagkakilig sa love team partner na si Francine Diaz na kung saan ay ibinida niya ang isang litrato na ipinapakita ang graduation gifts ng aktres para sa kanya.

Sa IG Story naman ni Seth, ipinost niya ang naging pagbati ni Francine sa kanya na may katagang, “Congrats sethyboy!!!”

PHOTO: Screengrab from Instagram/@imsethfedelin

Maraming kapwa-celebrities din ang nagpaabot ng “congratulatory” messages sa young actor.

Kabilang na riyan sina Eula Valdes, Angela Ken, Kim Rodriguez, at marami pang iba.

Kung matatandaan, unang sumikat si Seth matapos sumali sa reality TV series na “Pinoy Big Brother” noong 2018.

Pagkatapos niyan ay sunod-sunod na ang pinagbidahan niyang proyekto, kabilang na ang TV series na “Kadenang Ginto,” “Dirty Linen,” at “Fractured.”

May upcoming film din siya katambal si Francine na pinamagatang “My Future You” mula sa direksyon ni Crisanto B. Aquino and produced by Regal Films.

Read more...