Martin Nievera muntik mag-suicide nang maghiwalay sila ni Pops Fernandez

Martin Nievera muntik mag-suicide nang maghiwalay sila ni Pops Fernandez

PHOTO: Instagram/@popsfernandezofficial

TRIGGER warning: Maaaring sensitibo ito sa ibang makakabasa, lalo na’t may banggit ng suicide sa balitang ito.

MATINDI ang naging rebelasyon ng OPM balladeer na si Martin Nievera sa kanyang recent interview with Aster Amoyo.

Pagbubunyag niya, dalawang beses siyang muntikan nang mag-suicide.

Ang una raw ay dahil sa paghihiwalay ng kanyang mga magulang noong bata pa siya at ang sumunod ay noong naghiwalay naman sila ng kanyang dating misis na si Pops Fernandez.

Pagkukumpara pa ni Martin, mas nadurog ang kanyang puso sa relasyon nila ni Pops dahil nasaksihan ito ng maraming tao.

Baka Bet Mo: Martin Nievera na-shookt matapos alukin ni David Foster sa Las Vegas show: It is truly an honor!

“The separation of my mom and dad happened without the world knowing. But the separation of Pops and Martin was so public. That was the one that was hard,” pag-amin niya.

Patuloy ng batikang singer, “Siyempre it’s the guy who messed around. It’s the girl ang bida. I am the kontrabida. I am not used to being kontrabida. I thought I was everybody’s friend.”

“Personally, it was a big blow for me because role models ko ang parents ko. I’ve seen them from good days through bad, and they survived,” Kwento pa niya.

“So affected talaga ako,” giit pa niya.

Chika pa ni Martin, “But when Pops and I separated, mas grabe. I had to do it all in front of you.”

“Today, the kids would say when their parents are separated, ‘Okay. What’s next? Ano ang susunod?’ That’s today. But back in the day of Pops and Martin, it’s like a marriage made in heaven, right?” Aniya pa.

Nabanggit din ng veteran singer na inakala rin niyang mawawala rin sa kanya ang showbiz career niya noong naghiwalay na sila ni Pops.

“I didn’t care what I did. My hair was red. I looked like Ronald McDonald. Nagalit ako sa mundo because hindi nila nakita ang side ko. I wasn’t important,” saad niya.

Kung matatandaan, tumagal ng 14 years ang pagsasama nina Pops at Martin bilang mag-asawa, bago nila tinapos ang kanilang relasyon noong 2000.

Read more...