Rica nakatanggap ng bad news, biglang natauhan dahil sa carwash boy

Rica nakatanggap ng bad news, biglang natauhan dahil sa carwash boy

Rica Peralejo at Joseph Bonifacio kasama ang kanilang mga anak

NANG dahil sa isang carwash boy ay biglang natauhan at nahimasmasan si Rica Peralejo mula sa isang bagay na gumugulo sa kanyang isipan.

May natanggap daw kasi siyang “bad news” recently kaya medyo na-sad siya pero bigla ngang nagbago ang takbo ng kanyang isipan nang makakita siya ng isang carwash boy sa parking lot ng isang mall.

Ibinahagi niya ang tungkol dito sa pamamagitan ng kanyang X account. Sey ng hindi na gaanong aktibong aktres, “I was sulking about life because of a bad news.

Baka Bet Mo: Ryza Cenon inireklamo ang P120k water bill: ‘Ano kami may carwash?!’

“Actually the news isn’t even bad — it’s just not what I want,” paglilinaw ni Rica.


Dugtong niya, “But I think it’s fair to feel bad still. Then we go to a mall and couldn’t find parking when this carwash guy does all he can to find us a slot.

“In my mind, ‘This guy must be making so little to wanna go all out for this.’

“So it occurred to me that my momentary troubles are so small compared to what others consider to be theirs. Life is unfair,” sey pa ng dating Kapamilya actress-TV host.

Marami namang netizens ang naka-relate sa na-experience ni Rica. Narito ang ilan sa mga nabasa naming comments.

Baka Bet Mo: Miss Universe 2022 R’Bonney Gabriel bumalik sa Maynila, inalala ang pagbili ng pandesal sa umaga, paglalaro sa ulan at baha, pagto-tongits sa ‘plastic table’

“SKL (share ko lang). I have the same sentiments with the balut vendor who’s in crutches and I complain about the smallest things,” sabi ng isang X user.


Sagot naman sa kanya ni Rica, “Tingin ko pareho tayo ng pinapanggalingan. Hindi to sa puso eh, sa paa.”

Nag-reply uli ang netizen, “HAHAHA benta. The balut vendor i was referring was in crutches. So yeah, sa paa nga haha.”

“This world is wicked as consequence of sin. And I hope us as Christians can lead more souls to Christ.”

“Yes! Life is Unfair! There will be moments that it seems to be but most of the time it’s not. We just channel our morals and beliefs from religion or experiences to get past these negative occurrences in our lives.”

Read more...