Lolit Solis naloka sa mga drama ng FAMAS, may hugot kina Alfred at Piolo

Lolit Solis naloka sa mga drama ng FAMAS, may hugot kina Alfred at Piolo

Lolit Solis, Piolo Pascual at Alfred Vargas

NASA-SAD din ang talent manager at veteran columnist na si Lolit Solis sa nangyaring kontrobersya sa katatapos na 72nd FAMAS Awards Night last Sunday.

Naloka siya sa mga naging kaganapan sa naturang event na naging dahilan nga ng pambabatikos ng ilang celebrities sa mga organizer ng FAMAS.

Kasama na riyan ang isyu sa  pagkakatanggal sa pangalan ng veteran actress na si Eva Darren sa listahan ng mga artista at personalidad na magpe-present ng mga awards.

Baka Bet Mo: FAMAS nag-sorry kay Eva Darren matapos magreklamo ang anak

“Sobra naman na kung kelan win as Best Actor sa Famas si Alfred Vargas (para sa Pieta) saka naman ang init ng issue ng Famas, Salve.


“Katawa na nalagay sa front page iyon nangyari kay Eva Darren na matagal ng wala sa news pero dahil sa Famas namutiktik ang write up,” ang chika ni Manay Lolit sa kanyang Instagram page.

“Kaloka talaga na dahil walang balita talagang fiesta ang sinasabing ‘pang aapi’ sa isang veteran star na tulad ni Eva Darren.

“Maganda pa naman sanang balita na maraming stars ang nag attend ng Famas, pero heto nga at mukhang tatagal pa ang balita.

“Dahil siguro walang happenings lately kaya nasabik ang mga stars na magpunta sa Manila Hotel para makisaya sana sa awards night,” aniya pa.

Nabanggit din ni Manay Lolit ang tungkol sa pagkalasing ni Piolo Pascual sa awards night na naka-tie ni Alfred sa pagka-best actor para sa pelikulang “Mallari.”

Baka Bet Mo: Alfred inalay ang FAMAS best actor award kay Jaclyn; super idol si Piolo

“Imagine mo na nalasing si Piolo Pascual bongga. Nanalo nga si Alfred Vargas naging controversial naman dahil tie sila ni Piolo Pascual.


“Buti na nga lang na talaga naman tanggap ng marami ang husay ni Alfred Vargas sa pag arte at tanggap din ng mga kapwa niya artista kaya hindi naging issue iyon pag-tie nila ni Piolo Pascual.

“Kaya nga sure na tayo na magiging well attended ang mga awarding ceremony ngayon dahil parang sabik ang lahat na magbihis at dumalo sa mga awarding.

“Naku tiyak na magiging bongga ang Eddys dahil marami ang mag aabang. Bongga talaga na aabot pa sa awarding ang intriga ng Famas.

“Siguro naman hindi magkakaruon ng ganitong issue ang dalawang ceremonies.

“Mas magiging maayos na dahil iiwasan nila na magkaruon ng issue. Naku ha, bantayan nyo iyan Salve at Gorgy, dapat smooth at maayos ang lahat para mas bongga, di ba PatP,” sey pa ni Manay Lolit.

Read more...