Benedict Cua nanggulat, ibinandera ang pagiging ama

MARAMI ang nabigla sa naging anunsyo ng social media personality na si Benedict Cua ukol sa kanyang pagiging ama.

Nitong Lunes, May 27, ibinahagi niya sa kanyang YouTube vlog ang masayang balita tungkol sa mga ganap sa kanyang buhay sa mga nakalipas na buwan at ang pagkakaroon niya ng anak.

Aminado si Benedict na bagamat nagkakaroon siya ng mga araw na wala siyang tulog para gampanan ang kanyang duty bilang daddy ay masaya pa rin siyang gawin ito para sa anak.

“It’s a good kind of puyat,” aniya pa.

Baka Bet Mo: Benedict Cua na-diagnose ng ‘major depression’: I was not able to handle the pressures of life…

Bagamat ibinandera na ni Benedict ang anak na si Aleck, sa ngayon ay wala pa ring kumpirmasyon kung sino ang ina ng kanyang anak.

Sa kabila naman nito ay ipinakita ni Aleck ang kanyang pagsubok na maging hands on sa pagpaplaki ng anak.

“I just wanna say, I’ve had the best two months of my life… I waited for so many years and finally, he’s here. I want to immortalize every moment I have with him,” lahad pa ni Benedict.

Nangako rin ito na palaging mananatili sa tabi ng anak at sa lahat ng pagkakataong kailangan siya nito.

“Aleck, my son. The love of my life. No words can explain this overwhelming love that I feel as I cradle you in my arms. My beautiful warrior, you fill me with awe and excitement,” sey ni Benedict.

Dagdag pa niya, “I promise to be your home and your protection. To nurture you with infinite love, the same love you’ve already shown me from the moment you took your very first breath.”

Read more...