Chito feeling lucky: Naabot ko na ang gusto ko, rakenrol lifestyle!

Chito feeling lucky: Naabot ko na ang gusto ko, rakenrol lifestyle!

Chito Miranda at Neri Miranda kasama ang kanilang mga anak

PARA sa OPM icon na si Chito Miranda, naabot at nakamit na niya ang inaasam na tagumpay sa buhay kaya wala na siyang mahihiling pa.

Feeling ng award-winning singer-songwriter, enough na ang kung ano mang meron siya ngayon para matustusan ang pangangailangan ng kanyang pamilya.

“I think real success is having enough to pay for everything that you need, and having enough left to buy a few things that you want, and having more than enough time to enjoy the fruits of your hardwork.

Baka Bet Mo:  Chito todo kayod sa edad 17, maraming isinakripisyo para makaipon: Hindi forever ang pagbabanda…

“It’s not just about making the most money possible. Madami ka ngang pera pero kung stressed at unhealthy ka naman, or wala ka namang free time to enjoy it with your family or loved-ones (or even yourself), eh di parang wala rin,” ang simulang pagbabahagi ng Parokya ni Edgar frontman sa kanyang Instagram post.


Patuloy pa niya, “Yes, madami talagang sacrifices and challenges sa simula…because most of the time, the road to success isn’t an easy one.

“Maaaring magtrabaho ka muna sa ibang bansa, away from your family, but the goal is to provide, and earn enough to come back to them, eventually.

“As for us, sacrifice meant playing non-paying gigs for 3 years (even on school nights, or kahit exam week) before landing a record deal and earning enough money to buy our 1st guitar…and that was just the beginning (sooobrang dami pang sacrifices after that),” sabi pa ng husband ni Neri Miranda.

Nagpapasalamat din si Chito dahil maayos na maayos na ang buhay niya ngayon at ng kanyang pamilya at wala bang iniisip na mga matitinding problema.

Baka Bet Mo: Xian Gaza kay Chito Miranda: ‘Baka may anak ka rin idol umamin ka na habang buhay ka pa!’

“Ngayon, eto ako: masaya at tahimik na namumuhay sa probinsya kasama ng pamilya, still playing gigs for fun and earning at the same time…walang ibang iniisip kundi how to spend my day the way I want to.

“Para sa akin, having time for my kids, isn’t a sign of failure….not for me, nor my wife.


“Sa katunayan, I think sign yun na naabot ko na yung gusto kong abutin sa buhay: yung tipong ginagawa ko nalang yung trip ko sa buhay kasama ng pamilya ko without worrying how to provide for them.

“This, for me is success…eto ang tunay na rakenrol lifestyle!” ang sey pa ni Chito Miranda.

Narito naman ang mga comments ng netizens sa inspirational post ng singer-songwriter.

“Bet ko kayo na mag ex ni Kaye Abad. Both are happily married, same na namumuhay ng tahimik malayo sa Manila, tapos same na two boys ang mga anak, halos magkaka batch pa mga anak niyo.”

“True, ayan ang tunay na success. Yung masaya ka nagagawa yung gusto mong gawin sa buhay.”

“Mismo kuys. Inspiration ko talaga kayo ni ate @mrsnerimiranda. idol sa music and life!”

“This is so powerful message, very inspiring family!”

Read more...