Diwata: Kahit tulog na, may kakatok ng 2 a.m. para lang magpa-picture

Diwata: Kahit tulog na, may kakatok ng 2 a.m. para lang magpa-picture

Diwata

MAS nagsisipag at mas focused sa kanyang trabaho at iba pang karaketan ngayon si Diwata para mas marami pa siyang matulungan.

Isa sa mga plano ni Diwata o Deo Balbuena sa tunay na buhay ang magkaroon pa ng maraming branch ang kanyang Paresan Overload upang makapagbigay pa siya ng trabaho sa ating mga kababayan.

Todo ang pasasalamat niya sa lahat ng sumusuporta at lumalafang sa pag-aari niyang paresan sa Pasay City dahil sa patuloy na paglago ng kanyang negosyo.

Baka Bet Mo: Coco inilantad tunay na ugali ni Diwata: Hindi siya sakit ng ulo!

Masaya ngang ibinalita sa amin ni Diwata na magkakaroon na siya ng ikalawang paresan na matatagpuan sa Quezon City. Bukod daw sa pak na pak niyang overload pares, magdadagdag din daw sila ng iba pang putahe.

“Ang plano ko talaga ay i-expand ko pa ‘yung pares business ko. Or kung hindi pares, maglalagay pa ako ng ibang negosyo,” sey ng content creator.


Samantala, sa panayam naman ng ABS-CBN, nagkuwento si Diwata tungkol sa tinatamasa niyang kasikatan ngayon, lalo pa’t napapanood na rin siya sa top-rating show na “FPJ’s Batang Quiapo” ni Coco Martin.

“Parang normal lang din (kahit sikat na). Kung may invite (collab o pa-picture), kung kaya ng oras ko, go. Pero kung hindi kaya ng oras ko, tumatanggi ako kasi hindi ko puwedeng pabayaan ‘yung business ko.

“Kaya lang talaga minsan, marami talagang makukulit. Minsan nga kahit natutulog na ako, may kakatok ng 2 a.m. para magpa-picture lang. May ganu’ng eksena. Pero kaya naman pagpasensyahan,” aniya pa.

Pero himutok ng Pares Diva, “Ang nakakalungkot nga lang, ‘yung mga hindi lang napapagbigyan ng picture, kung anu-ano na ang sinasabi at ina-upload. Wala naman akong pakialam.

“Wala naman akong taong inaagrabyado. Wala naman akong taong tinatapakan. Kung hindi mo kayang intindihin  ‘yung paliwanag ko, nasa sa kanila na ‘yun. Kasi nga busy ako.

Baka Bet Mo: Diwata OK lang maliit ang kita sa paresan basta may pangsweldo sa tauhan

“May ginagawa ako. Pero kung may free time ako, lahat welcome kahit maliit na vlogger pa ‘yan, may dala ka man o wala,” esplika niya.

“Ang pinapalabas kasi nila na kapag wala ka raw dala (regalo), hindi ko raw iniintindi or ine-entertain. Kapag daw maliit na vlogger, hindi ko raw ine-entertain.

“Yung mga vlogger o kilalang personalidad na pumupunta at ine-entertain ko, kasi may appointment sila. Bago ‘yan dumating, naka-set na ‘yan. Hindi katulad nu’ng iba na dumadating lang nang biglaan, tapos nag i-interview, ina-upload nila, masama na agad ako,” ang sabi ni Diwata.


Isa pa raw sa balak ng vlogger, “‘Yung bahay ko, maliit lang ‘yan. Pero may plano ako na bumili ng bahay with title. ‘Yung may title talaga.

“Pero siyempre hindi pa sapat ang pera natin. Hindi pa tayo mayaman. ‘Yung second-hand na car, ‘yan ang una kong sasakyan kasi dati natutulog lang ako sa gilid ng tindahan.

“Naisip ko kasi ‘yung gamit at pera ko, hindi safe so naisip ko bumili ng car na service at the same time bahay ko rin. May isa pa akong sasakyan ngayon na gamit ko na bigay lang ‘yun. Ginagamit ko rin sa business,” sey pa niya.

Ito naman ang mensahe ni Diwata sa lahat ng mga nangangarap gumanda ang buhay, “Huwag kayong mawalan ng pag-asa. Kung mahirap ka man ngayon, huwag mong isipin na mahirap ka lang.

“Isipin mo na darating ang panahon na aasenso ka rin sa buhay. Para mangyari ‘yun, kapag nangarap ka, galingan mo rin sa diskarte. Kung nangarap ka ngayon, diskartehan mo na rin.

“Lagyan mo ng aksyon. Katulad ko, from ilalim ng tulay, ngayon nagnenegosyo na ako. Hindi ko in-expect.

“Dahil siguro sa kasipagan at diskarte, kaya nangyari sa buhay ko ito. From level 1, nasa level 2 na ako ngayon, may pagkakaiba na ngayon,” pahayag pa ni Diwata.

Read more...