Donnalyn pak na pak sa pagharana kay JM, ‘exclusively dating’ na

Donnalyn pak na pak sa pagharana kay JM, ‘exclusively dating’ na

PHOTO: Instagram/@1migueldeguzman

MAKALIPAS ang isang taong panliligaw, “exclusively dating” na sina Donnalyn Bartolome at JM De Guzman.

Ang nakakakilig na balita ay ibinandera mismo ni Donnalyn sa kanyang latest YouTube vlog kung saan hinarana pa niya si JM.

“Matagal na siyang naghihintay ng sagot, mga isang taon na. Pero natatakot kasi ako,” sey niya sa vlog.

Dagdag niya, “Ilang beses na akong lumayo sa kanya sa isang taon kaya ‘yung ipanghaharana ko sa kanya, ‘yung song na ‘yun best explains how I feel.”

Kasunod niyan, ipinakita na si JM na nakasakay sa kotse at tila walang alam sa mga mangyayari.

Bilang sorpresa ang gagawin ng content creator, ang sinabi ng sumundo sa aktor ay ipapakilala na siya sa mga magulang ni Donna.

Baka Bet Mo: JM de Guzman umaming ‘naaadik’ ngayon sa isang female celebrity…si Donnalyn Bartolome ba yarn!?

Pagdating ng bahay, nagtaka si JM dahil pinaayusan pa siya ng aktres at hindi naman nagtagal ay bigla siyang tinawag ng kanyang nililigawan.

Nagpunta ang aktor sa balcony kung saan natatanaw ang aktres sa may garden kasama ang ilang backup dancers.

“Naalala mo ‘nung hinarana mo ako? Hindi ‘yung sa vlog ah. Gagantihan lang kita,” sambit ng social media star kay JM.

“Alam ko, matagal mo nang hinihintay ang sagot ko,” wika pa niya, sabay pakita kay JM na kinikilig.

At pagkatapos niyan ay biglang kinanta ni Donnalyn ang hit song ni Britney Spears na “Sometimes” habang kitang-kita na kilig overload naman si JM.

Bago matapos ang performance, biglang nilabas ng aktres ang isang malaking banner.

Pakaba effect pa nga ito dahil kitang-kita ang katagang “JM, mahal….k…,” at nang ibinukadkad ito, ang nakasulat pala ay “JM, mahalaga ka sa akin.”

Hirit naman ni JM, “Akala ko, mahal kita eh.”

Tumakbo na si Donna papunta kay JM at nagyakapan sila ng matagal.

“Exclusively dating,” anunsyo ng voice over ng vlog.

Paliwanag pa, “Not yet a boyfriend, but with the assurance that Donna is pursuing a relationship with only you [JM].”

“Taking a little bit more time, why? Because they are learning each other’s love language,” patuloy pa.

Nang tanungin naman ni Donnalyn si JM kung ano ang pakiramdam ng hinarana siya.

Inamin ng aktor na kinilig siya at naiyak dahil ito raw ang unang beses na may gumawa sa kanya nito.

“Siyempre, nakakakilig. First time ‘yun. Nakakaiyak,” tugon niya.

Dagdag pa ng aktor, “Kala ko sinasagot mo na ako eh.”

Ani naman sa kanya ni Donna, “Wala pa, hindi pa ako ready diyan. Masyadong mabilis.”

Read more...