MULA sa pagiging top-rated afternoon series, magpapasiklab na sa primetime sa bago nitong yugto ang “Lumuhod Ka Sa Lupa” ng TV5 simula sa Hunyo.
Marami na ang nag-aabang sa pagpapatuloy ng maaksyong kuwento ng serye, at magandang balita nga na maihahanay na ito sa mga panggabing programa sa TodoMax Primetime Singko ng TV5.
Isa sa magiging highlight sa susunod na yugto ng serye ang pinakaaabangang transformation ng lead star ng programa na si Kiko Estrada.
Sa kanyang sagarang training sa jiu-jitsu at dedikasyon sa mga maaaksyong eksena bilang si Norman dela Cruz, binansagan na siya ng mga manonood bilang “lods na kaya kang ipaglaban.”
Baka Bet Mo: Christian Bautista lumuhod, hinarana ang asawang si Kat Ramnani sa harap ng showbiz press: ‘The best wife, sobra!’
Sa nalalapit na paglipat ng “Lumuhod Ka Sa Lupa” sa primetime, kinikilala na ngang “new prime leading man” si Kiko ng kanyang mga tagasubaybay.
Mapapanood pa rin ang “Lumuhod Ka Sa Lupa” tuwing 2:30 p.m., Lunes hanggang Biyernes pagkatapos ng “Eat Bulaga” sa TV5 at abangan ang paglipat nito sa TodoMax Primetime Singko ngayong Hunyo.
Samantala, sa isang panayam, sinabi ni Kiko ang pagiging action star niya ay mula rin sa impluwensiya ng mga kapamilya niya sa showbiz, nandiyan ang tatay niyang si Gary Estrada, uncle na si Joko Diaz, and his late lolo na si Paquito Diaz.
Sa isang eksena nga raw niya sa “Lumuhod Ka Sa Lupa”, “I rolled my ankle the second day (taping) and we still had to do stunts, like there was a big scene, an explosion and we hadn’t done that yet.
“I rolled my ankle before that pero sabi ko sa production) we’re not gonna do this shot with the double. Just make me the rest, I’m gonna take pain reliever, wait for two hours and I’m going to do it.
Baka Bet Mo: Joel Lamangan sa bagong proyekto: Hindi naman ito pelikula na lahat ng lalaki at babae ay magkakangkangan
“By the grace of God, I prayed and we did it. It seemed like nothing happened. But the day after, I tell you, my ankle was swollen and all.
“I would want to do everything but they controlled me to choose, especially after that. I also hyperextended my elbow in another action scene.
“But that’s a part of the job and I love my job and those are the sacrifices that you have to make to make a good show.
“It’s nothing to me right now. That’s why I got emotional during the advance screening. People don’t understand the journey that I have to go through to finish the episodes,” aniya pa sa naturang interview.
Ang yumaong writer-producer-director na si Carlo J. Caparas ang sumulat ng kuwento ng “Lumuhod Ka Sa Lupa” na isang nobela sa Aliwan Komiks. Ginawa itong pelikula na ipinalabas noong August 21, 1986 na pinagbidahan ni Rudy Fernandez.