Joshua kakaririn ang pagpapa-yummy; malaki ang utang na loob sa TikTok

Joshua kakaririn ang pagpapa-yummy; malaki ang utang na loob sa TikTok

Joshua Garcia

AMINADO ang Kapamilya actor na si Joshua Garcia na malaki rin ang naitulong ng TikTok sa kanyang showbiz career lalo na noong kasagsagan ng pandemya.

Ayon sa binata, ito ang naging platform niya para hindi mawala sa kamalayan at atensiyon ng publiko dahil nga halos lahat ng nasa entertainment industry ay nawalan ng trabaho at pagkakakitaan.

Nakaramdam daw siya talaga ng takot noong may COVID-19 pandemic, isabay pa ang pagkawala ng franchise ng ABS-CBN. Tanong daw niya sa sarili kung ano na ang mangyayari sa career niya.

Baka Bet Mo: Joshua shookt sa atensyon ng K-pop idols dahil sa viral TikTok videos: ‘Nagulat ako! Ang sarap sa pakiramdam!’

“Parang natakot ako noon kasi parang nawawala na ako sa social media. Nawawala yung ingay. Buti na lang, pumasok si TikTok. That’s unexpected na nangyari sa akin.


“After that, may daan na ako pabalik. I mean, lahat na halos ng mga artista nawala kaya nga biglang ang daming pumasok, biglang nag-YouTube, nag-TikTok,” sabi ni Joshua sa isang panayam.

At in fairness, naging instant TikTok star si Joshua dahil sa kanyang mga dance video na talagang umani ng milyun-milyong views at likes. Hanggang sa  naging “Ultimate Boyfriend” na nga siya sa naturang platform.

Tulad ng maraming matagumpay na celebrity sa TikTok, sinimulan lamang ni Joshua ang pagpo-post ng mga simple at pampa-good vibes na video at kalaunan ay naging isa na nga sa pinaka-influential celebrity sa nasabing platform.

Ngayon, pinag-iisipan ni Joshua kung paano pa makakatulong sa kanya ang paggawa ng mga content na karamihan ay dance cover na may masigla at cool na cool na mga moves.

Baka Bet Mo: Joshua damay din sa KathNiel breakup, panglalaglag kay Daniel fake news

Patuloy itong naghahatid ng kaligayahan sa kanyang mga tagahanga sa TikTok, na mula noon ay nakakuha na ng 8.2 milyong followers at 70.8 milyong likes.

“Hindi ko inaasahang magiging ganoon  yung reception (ng tao). Gaya ng marami, I was just enjoying the app and using it during breaks or simple escapes throughout the day,” sabi ni Joshua, na siyang bagong ambassador sa kampanya ng TNT na “TikTok Saya 50.”

Available sa halagang P50, ito ay may unlimited na TikTok, 3GB ng open access data para sa mga app at site, at unli text sa lahat ng network (valid sa loob ng 3 araw), “Masayang-masaya ako na maging bahagi ng kampanyang nagpapalaganap ng kaligayahan at good vibes sa mga Pilipino sa pamamagitan ng paggamit ng walang limitasyong TikTok.

“As Pinoys, we find humor and fun in everything, kaya kahit sa simpleng  panonood ng video, nakakakuha tayo ng reason to be happy every day,” sabi pa ni Joshua.


Nang tanungin kung ano ang makikita sa kanyang TikTok feed sa mga mabilisang pahinga mula sa kanyang busy schedule, “Kadalasan akong nanonood ng mga nakakatawang vlog, makukulit na skits. Pampasaya at pampagaan talaga ng araw.”

Samantala, kakaririn na ni Joshua ang pagpapaganda at pagpapalaki ng katawan bilang paghahanda sa upcoming series nila nina Anne Curis at Carlo Aquino na “It’s Okay to Not Be Okay.”

Ang original kasi na bidang Korean sa serye na ito ay si Kim Soo-hyun na may mga pa-abs sa ilang eksena.

“Noong nag-team building kami, sabi ko kina Direk Mae (Cruz-Alviar), napanood ko ang episode 1, eh, doon pa lang, may abs na. Sabi ko, pinatay ko na lang ang TV, nag-workout na lang ako. Ha-hahaha!

“Yun na lang ang preparation ko. Pero, nandoon na yun, so siyempre nagpi-prepare ako, nagwo-workout ako ngayon.

“Pero, mas malaki ang importansiya na emotionally prepared kami, kasi iba rin ang ita-tackle namin na istorya, medyo sensitive siya,” sabi pa ni Joshua.

Read more...